Regine naka-one year na sa Kapamilya!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - September 16, 2019 - 12:00am

Bagong Darna nakaw-eksena sa ball Richard at Bea, Best Dressed

‘Tahimik’ ang ginanap na ABS-CBN Ball 2019 the other night.

Kung noong mga nakaraang years ay may mga nalalasing at umabot sa suntukan, may umabot pa sa kulungan, this time walang lumutang na kakaibang eksena.

Last year may nalasing na actor, nagsuka-suka at hindi na nakagulapay pag-uwi.

Pinag-usapan din noong ABS-CBN Ball 2018 si Regine Velasquez dahil sinamahan niya ang mister na si Ogie Alcasid na nag-confirm ng paglipat niya sa ABS-CBN.

Mas pinag-usapan this year ang mga suot na modern Filipiniana at nag-abang kina Bea Alonzo and Julia Barretto ang naging priority ng mga nakiusosyo sa Ball matapos ang makontrobersiya nilang hiwalayan ni Gerald Anderson.

But anyway, si Bea pa rin ang nagwagi bilang siya ang Metro Best Dressed.

1. Bea Alonzo 

2. Liza Soberano 

3. Anne Curtis 

4. Kathryn Bernardo 

5. Nadine Lustre Designer

6. Sarah Lahbati 

7. Charo Santos 

8. Jane De Leon

9. Ylona Garcia 

10. Kira Balinger 

Actually, marami pang magaganda ang Filipiniana gown like Kim Chiu and Julia Barretto, Maja Salvador, among others.

Narito naman ang iba pang nanalo ng special awards sa nasabing ball :

Ever Bilena Red Carpet Stunner: Chie Filomeno

Belo Beauty on the Rise: Jane De Leon

Belo Belle of the Ball: Maymay Entrata

Metro Best Dressed Male: Ri­chard Gutierrez

Metro Best Dressed Female: Bea Alonzo

Couple of the Night: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati.

 

REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with