^

Pang Movies

Direk Joel ipinaliwanag ang pagsusuot ng Black Armband

Gorgy Rula - Pang-masa
Direk Joel ipinaliwanag ang pagsusuot ng Black Armband
Direk Joel Lamangan

MANILA, Philippines — Si Direk Joel Lamangan ang isa sa napansin naming naka-black armband na dumalo sa Sine Sandaan na ginanap sa New Frontier Theater nung nakaraang Huwebes ng gabi, September 12.

Bago kasi nagsimula ang naturang event usap usapan na ang posibleng pagdalo ni Pres. Rodrigo Duterte at ni Sen. Imee Marcos.

Kay Sen. Imee Marcos ang Experimental Cinema of the Philippines na isa sa pinarangalan dahil sa mga magagandang pelikulang nagawa nito kagaya ng Oro, Plata, Mata at Himala.

Madami-dami rin akong nakitang may suot na black armband, at wala akong ideya ang gagawin nila kung sakaling nandun nga si Sen. Imee at ang ating pangulo.

Pero sabi ni direk Joel, ang pagsuot nila ng black armband ay pagpapahayag nang pagluluksa ng ating karapatang maipahayag ang katotohanan ng buhay at ng mga nangyayari sa ating bayan.

Hindi naman niya itinatangging nalulungkot sila, at nagluluksa sa unti-unting pagbalik ng mga dating naghahari sa ating bayan.

“Kasama lahat yun…sa uri nang pag-celebrate and at the same time pagluluksa sa nangyayari sa ating bayan,” pakli ni direk Joel.

Dagdag pa niyang pahayag; “May konting pagsisikil sa katotohanan. Merong pagtatakip sa kung anong nangyari sa katotohanan. Kailangan yan ay mai-reflect sa mga pelikulang ginagawa natin sa mga susunod pang sandaang taon.”

Sabi pa ni direk Joel; “Ang materyal ng pelikula ay buhay. Kailangan hindi natin makalimutan ang mga katotohanang nangyayari sa ating bayan at ilagay natin sa ating mga pelikula.

“Kailangan malaman natin na kailangang ipagtanggol ang karapatan sa pagpapahayag. Karapatan sa mga mamahayag, ang karapatang ipagtanggol ang karapatang pantao.

“Ang pelikula ay dapat reflection sa kung ano ang nangyayari sa lipunan. Ang katotohanan…ang katotohanan batay sa interes ng nakararami, hindi katotohanang batay lang sa interes ng mga naghahari.

“Dahan-dahan nang nawawala ang alin ang atin…dahil kinupkop na nang harap-harapan sa atin ng ibang bayan kagaya ng Tsina.”

Samantala, natutuwa namang kinuwento sa amin ni Direk Joel na malapit na nilang matapos ang pelikulang Isa Pang Bahaghari na isusumite nila sa Metro Manila Film Festival.

Maganda raw ang pagkagawa ng kissing scene nina Migs Almedras at Albie Casiño na siyang gumaganap na batang Michael de Mesa at Phillip Salvador.

Tuwang-tuwa rin daw si Nora Aunor nang makita niya ang younger version niya na ginampanan ni Maris Racal.

“Ang ganda ko pala nung bata ako,” sabi raw ni Ate Guy.

Ang isa lang sa ipinagmamalaki ni Direk Joel sa pelikulang ito ay ang magagaling na pag-arte ng mga artista.

Isa nga raw sa nagulat talaga siyang magaling pala ay si Sanya Lopez na natataranta raw sa kanya nang ginawa niya ang sexy dance niya sa isang bar.

vuukle comment

JOEL LAMANGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with