Alden Richards
Alden ibinahagi ang purpose sa buhay
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 16, 2019 - 12:00am

Itinuturing ni Alden Richards na ang bago niyang tele­serye sa GMA-7 ay magbibigay ng inspirasyon sa lahat ng mga manonood nito simula ngayong gabi, sa world premiere ng The Gift sa Primetime Telebabad, pagkatapos ng Beautiful Justice.

“Para pong sagot ito sa wish ko na makagawa ng isang proyekto na makabuluhan at magbibigay inspirasyon sa mga manonood,” sabi ni Alden. “Kaya nang magsimula na po kaming mag-taping, tingin ko, lahat kami ay inspirado, maganda ang samahan namin sa isa’t isa,”

Inamin din ni Alden sa mediacon ng serye na parang ang purpose niya in life ay magbigay ng inspirasyon sa mga tao, sa kahit anong proyektong gawin niya. Kaya naman hindi siya bumibitiw sa kanyang pananampalataya.

“It keeps my sanity, ang faith ko sa Diyos is what keeps me grounded. Naniniwala po kasi ako na kapag nawala na ang lahat sa isang tao, ang pagmamahal ng Diyos sa iyo, hindi magbabago. Kaya iyong mga recognition na natatanggap ko lately, bonus po niya iyon sa akin, kaya hindi po ako bumibitiw at patuloy na nananalig sa kanya.”

Ang isa ngang gusto ni Alden ay iyong mabubulag siya sa story at lahat ng mahahawakan niyang tao, malalaman niya ang nakaraan nito at makikita rin niya ang future na siya niyang ibabahagi sa taong ito. It will serve as an inspiration sa kanila para magbagong-buhay. Isa ring challenge kay Alden ang pagganap niyang bulag dahil first time niyang gagawin ito. Kaya siya man sa sarili niya, maraming natutunan sa role na ginagampanan niya.

Thankful si Alden sa mga mahuhusay na artistang kasama niya sa seryeng ito na dinidirek ni LA Madridejos na sina Jean Garcia at Jo Berry na gaganap niyang biological mother at adoptive but very protective mother, respectively, Elizabeth Oropesa, at iba pa.

Kantang ginawa ni Maine ka-level na ng mga kanta nina Sharon at Gary V.

Thankful naman ang AlDub Nation sa sunud-sunod na recognition na natatanggap ng mga idolo nila. Last Thursday, isa si Alden sa tumanggap ng Luminary Leading Men ng Sentenaryo mula sa Sine Sandaan na nakasama niya ang ibang leading men tulad nina Dingdong Dantes, Piolo Pascual at iba pa.

Sa naturang award giving body rin, nalaman ng ADN na ang theme song na sinulat ni Maine, ang Imagine You & Me para sa movie nila ni Alden with the same title ay nakabilang din sa pinarangalang classic theme songs at kahanay ito ng Bituing Walang Ningning, Sana Maulit Muli, at iba pa.

Umani nga ng papuri noon ang naturang theme song na sinulat ni Maine, nilapatan ng musika ni Vic Sotto at arranged naman ni Jimmy Antiporda.

Nag-post din ang director ng movie  na si Mike Tuviera ng “Now it can finally be said! So excited to announce that Imagine You & Me is coming out on Netflix on September 17!”

Ang movie ay kinunan ang kabuuan sa Como Italy, last April, 2016 at isang blockbuster movie nang ipalabas ito on July, 2016.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with