^

Pang Movies

Kim nag-shoot ng music video sa CR

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Kim nag-shoot ng music video sa CR
Kim Molina

Iba na talaga si Kim Molina na nakilala rin bilang sulsulerang kaibigan sa kontrabidang si Daniel Mondragon sa Kadenang Ginto na ginagampanan ni Dimples Romana. Hindi siya nawawalan ng raket, at ngayon nga ay may bago na namang movie na ang title ay Jowable kasama sina Jerald Napoles, Cai Cortez at Kakai Bautista na release ng Viva Films.

Idinirek ito ni Daryll Yap at mapapanood na sa September 25. 

Sinagad na ni Kim dahil siya na rin ang kumanta ng themesong ng kanilang pelikula na may kuwelang music video na ang setting talaga ay ginawa mismo sa comfort room. Patok agad ang single na naka-relate ang marami sa ly­rics ng mga lovable at likeable, pero walang jowa. Yes, itinaas ni Kim ang bandera ng mga jowable, pero walang love life.

In fairness kay Kim, malakas ang timbre ng powerful na boses nito na may pa-whistle pa ang effect. Dahil good vibes ang kanta ay natuwa ang mga tao.

 Busy ang beauty ni Kim bilang Savannah na secretary na may malaking impluwensiya kay Daniel Mondragon-Bartolome na si Dimples Romana sa Kadenang Ginto at part din ang komedyana sa The General’s Daughter na bestfriend ni Angel Locsin at naging bida rin sa Camp Sawi movie.

Hindi lang comedienne si Kim, kundi totoong singer na ka-alternate niya si Aicelle Santos sa Rak of Aegis na musical play. Nagsimulang kumanta si Kim sa edad na two years old na nagsilbing front act agad sa mga local Filipino artist sa Middle East at maging sa ibang bansa.

Si Kim ang nagwaging ABS-CBN’s Middle East search para sa The Filipino Channel (TFC) Pop Star. Naging bahagi rin si Kim ng theater ng Viva Atlantis production ng Disney’s Tarzan.  Talented talaga si Kim na may taglay ding sex appeal at ganda.

vuukle comment

KIM MOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with