Guwapong singer na nagladlad parang ibong nakawala sa hawla!
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - September 15, 2019 - 12:00am

Maagang nag-identify ang isang poging singer ng kanyang kasarian. No regret siya, kumbaga sa ibon na nakakulong sa hawla ay malaya na siyang makakalipad.

Mas masaya siya kung ano siya ngayon.

Alden at Kathryn mas dumami ang ginagawa

Lalong naging pogi si Alden Richards ngayon sa bago niyang seryeng The Gift, bagay na bagay sa kanya ang hairstyle na nasa gitna ang hati ng buhok.

Bulag o walang paningin ang kanyang role sa nasabing serye, umamin siyang hindi ito madali para sa kanya dahil kinailangan pa niyang pag-aralan kung paano kumilos ang isang blind.

Samantala, kasama ni Alden si Jo Berry dito na huling napanood sa seryeng Onanay. Masaya si Jo dahil hindi niya inakalang masusundan pa pala ang una niyang serye. Kasama niya ring muli si Mikee Quintos.

Hindi naman lingid sa atin na hanggang ngayon ay kumikita pa rin ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye. Dahil dito, mas nabuksan ang maraming opportunity sa kanilang dalawa na sana ay magtuluy-tuloy pa.

Child Haus ni Mother Ricky bukas para sa lahat

Walang palakasan sa Child Haus, ang foundation na itinatag ni Mother Ricky Reyes para ma-ging tahanan ng mga may sakit na bata at matanda na pasyente ng P­hilippine General Hospital. Ang karamihan pa sa mga ito ay galing sa malalayong lugar, mostly sa probinsya. Ang mga taong may malubhang karamdaman ay welcome sa Child Haus lalo na ang mga mahihirap.

Ang pangunahing sponsor ni Mother Ricky ay ang pamilya Sy ng business tycoon na si Henry Sy na tumulong sa kanya na maitayo ang nasabing foundation.

Libre ang pagkain, gamot at kung anu-ano pang pangunahing pangangailangan ng bawat pasyente.

Kahit namayapa na si Henry Sy, patuloy pa rin ang Foundation sa pagkalinga sa mga may sakit sa tulong ng anak niya na si Hans Sy na magdiriwang ng kanyang 64th birthday ngayong Setyembre 15, kasabay ito ng anniversary ng Child Haus.

Maganda at matagumpay ang mga proyekto nito dahil na rin sa mga reliable staff ni Mother Ricky na sina Ma’am Daydee, Ma’am Rachel, Ma’am Marian at ang katuwang nila, ang mababait na Super Lola na sina Madam Estrada, Ms. Dorendes, Ms. Juliet Lagaras and Mrs. Amanty at iba pa.

Hindi ko kasi knows ang ibang Super Lola.

Personal…

Salamat PMPC (Philippine Movie Press Club), hindi n’yo alam kung gaano n’yo ako napaligaya.

Napaiyak ako nang makita ko sina Julie Bonifacio na inaanak ko sa kasal, Ronald Rafer, Basil, Wally, Rodel, Benny Andaya, Melchor Navaro at ilan pa.

May pagkamalilimutin ako dahil sa aking sakit. Ang saya ko! Salamat sa pagdalaw n’yo sa akin sa Child Haus, God bless you all!

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with