Rayver malabong ma-fall kay Julie Anne
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 15, 2019 - 12:00am

Biniro si Kapuso hunk actor Rayver Cruz noong mediacon ng The Clash 2 kung napapansin niya ang kaseksihan ng kanyang co-host, si Julie Anne San Jose, dahil silang dalawa ang napiling The Clash Masters sa season 2 ng original musical competition ng GMA Network.

“Natutuwa nga po ako kapag nakikita ko ang mga sexy photos niya sa social media at sa newspapers,” nakangiting sagot ni Rayver. “Natutuwa po ako kung paano niya nami-maintain ang kaseksihan niya, nakikita ko namang hindi siya nagda-diet, samantalang ako pigil na pigil sa pagkain para hindi ako mag-gain ng weight.”

Pero para kay Rayver, si Janine Gutierrez pa rin ang laman ng puso niya. Kahit wala silang ibinibigay na label sa kanilang relasyon, kampante sila sa isa’t isa.

“Masaya po ako na nakuha akong mag-host ng The Clash, makikita nila kung gaano ako ma-ging kalog at madaldal kapag nag-interview na kami ng mga contestant.”

Thankful din si Rayver dahil iba naman ang daily mysterious series niyang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, napapanood after ng Eat Bulaga from Mondays to Saturdays. Ang The Clash ay mapapanood simula sa Saturday, September 21 at sa Sunday, September 22.

Final 4 ng Starstruck magkakaalaman na!

Sino kaya ang tatanghaling Ultimate Male and Female Survivors tonight ng seventh batch ng Starstruck? Final 4 sina Allen Ansay, Kim de Leon, Shayne Sava at Lexi Gonzales. 

Kagabi ay muling humarap ang apat sa Starstruck Council na sina Ms. Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo para sa last off-beat role acting test nila. 

Ngayong gabi, live na mapapanood ang Final Judgment, hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Kapuso Actress Jennylyn Mercado.

Ang tatanghaling winners ay parehong tatanggap ng house and lot from Brianna at Php 500,000 cash prize, plus a management contract from GMA Network.

Ang star-studded presentation ay mapapanood tonight after Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA-7.

Alden gustong balik-balikan ang Cebu!

Dinumog ng fans sa Cebu ang dalawang mall shows ng inspirational drama series na The Gift headed by Alden Richards with Jo Berry, Mikee Quintos, Mikoy Morales at new Kapuso star Thia Thomalla. 

First stop nila ang Kapuso Mall Show sa Gaisano Fiestamall sa Tabunok, Talisay City, kasunod ang Kapuso Fiesta sa Danao City Boardwalk sa Danao City, Cebu. 

Ayon kay Alden, malapit ang Cebu sa puso niya dahil nang artista na siya, ang first mall show niya ay sa Cebu kaya nilu-look forward niya ang magkaroon ng show doon. Kitang-kita on national TV kung gaano karami ang mga taong dumalo. Labis ang pasasalamat nina Alden at nag-request silang huwag kalimutang panoorin ang The Gift na may world premiere sa Monday, September 16, after ng Beautiful Justice.

RAYVER CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with