^

Pang Movies

Kesa sa hindi masyadong sikat, Kathryn mas mabait sa mga senior star!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kesa sa hindi masyadong sikat, Kathryn mas mabait sa mga senior star!

Marami ang nagsasabing sweet ang young actress na ito ng isang top TV network, pero sa isang event kamakailan, nakasabay ito ng much famous actress at dedma raw.

May isa raw itong kasama na may pagkamasu­ngit at nang papalabas na ng elevator ay hindi man lang daw nag-excuse.

Na-“push” nga rin nito si aktres.

Actually, may isang top executive ang TV network na ‘yon na madalas pagsabihan ang young talents nila na kapag may nakakasamang mga artistang nauna naman sa kanila sa industry ay maganda kung lalapit at magpapakilala sila bilang respeto na rin.

May ibang young talents kasi na “feeling” talaga at dinededma ang mga mas beteranong artista compared to them.

Isa sa young stars na mapupuri sa ganda ng PR ay si Kathryn Bernardo na kahit certified box-office queen pero kapag nakikita ang mga artistang nauna sa kanya sa showbiz ay lumalapit at nagpapakilala.

Ilang much senior stars na ang nagsabi sa akin ng magandang ugali ni Kathryn.

Actually, noong minsang dumalaw ako sa taping noon ni Richard Gutierrez ng La Luna Sangre ay lumapit din ang dalaga sa akin para bumati’t makipagtsikahan.

Morissette pinupuri ng mga Pinoy sa Guam

While I write this, nasa Guam ako dahil sa imbitasyon ng kaibigan kong si Rachel Lagrimas at nag-attend ako ng induction ng officers ng Lions Clubs International District 204.

May isa akong nakatsikahan na sobrang puri sa singer na si Morissette Amon.

Nag-show kasi si Morissette sa Guam for a fundraiser at sobrang down to earth nga raw ang singer.

Very accommodating din daw si Morissette sa mga fan na nagpapa-picture.

Malayo nga siya sa iba na nakasimangot kapag ayaw nang makipag-picture taking sa mga fan.

LT at Amy parang hindi tumatanda!

Ageless beauties ang magkaibigang Lorna Tolentino at Amy Austria.

Nang makita ko nga sila sa Sine Sandaan event ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) noong Thursday, parang hindi talaga sila tumatanda, huh!

Sabi nga ni LT, malapit na siyang mag-senior citizen.

Isa rin sa mga nandoroon na mukhang bata pa rin ay si Yayo Aguila.

Ang bongga nila, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with