Fans ni Kathryn nakaladkad sa bantang pananaboy ng asido
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 14, 2019 - 12:00am

Sira ang tuktok ng nagbabantang aabangan daw sina Liza Soberano at Nadine Lustre para sabuyan ng asido sa isang okasyong pupuntahan noon. At ang “buwang” ay ginagamit pa ang pangalan ni Kathryn Bernardo.

Ang mga ganyang biro ay hindi maganda. Una, sira lang ang tuktok nang gagawa niyan. At ano ang matinding dahilan para saktan nila ang isang taong wala namang ginagawang masama sa kanila? Ikatlo, hindi ba nila naiisip kung ano ang mangyayari sa kanila kung gagawin nga nila ang kalokohang ganyan?

Iyong mga artista nananahimik, bakit kailangang gumawa ng mga ganyang wala namang kuwentang pagbabanta na hindi naman nila magagawa? Bakit, sa tingin ba ninyo ang isang taong kagaya ni Liza ay lalakad nang walang security? Kung iyon lang si Aling Mariang nagtitinda dito sa may kanto namin binabantayan pa ng anak eh, iyon pa kaya.

Natatandaan namin noong araw, binantaan din nang ganyan si Bea Alonzo. May nangyari ba? Talagang ang gumagawa ng ganyang pagbabanta ay may tililing lamang.

Pero hindi tayo dapat magalit sa kanila. Ang mga iyan ay dapat pa nga nating tulungan. Kailangan nila ng professional help at sa totoo lang mahal ang kumunsulta sa mga psychiatrist, kaya nga maraming buwang na minsan itinatali na lang para huwag makapanakit.

Pero ang bantang iyan kay Liza, natatawa na lang kami kasi hindi maaaring mangyari iyan lalo na’t hindi naman si Liza iyong kagaya ng iba na ang pinagkakabuhayan ay mga out of town show. Si Liza naman laging nasa isang controlled environment, maski sa shootings o sa taping ng kanyang mga serye.

Kathryn at Daniel magbabakasyon sa malamig na lugar para makita ang Aurora Borealis

Magbabakasyon na naman pala sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at sa pagkakataong ito, gusto raw nilang makara­ting sa Iceland. Ang gusto nilang makita ay iyong Aurora Borealis o Northern Lights na isang natural phenomenon at nangyayari dahil sa salpukan ng iba’t ibang gas mula sa kalawakan at nahihila naman ng magnetic poles ng mundo. Kaya iyan ay nakikita sa North Pole o sa South Pole ng mundo. Iyong nasa south ay tinatawag namang Aurora Australis o Southern Lights.

Marami talaga ang gustong makita ang Aurora kahit na sandali lamang. May mga araw naman kasi na wala iyan. Kaya timing din ang bakasyon ng KathNiel, pero malamig talaga roon ngayon.

Hindi kaya dahil sa tindi ng lamig at maisipan na nilang pakasal doon?

Character actor at male star may malisya na ang madalas na pagsasama!

Marami ang nakapansin, mukha raw napakadalas na guest ng isang character actor sa show ng isang male star. Kapansin-pansin lang eh kasi iyong ibang guests nawawala rin naman sa mga show  niya, pero iyong character actor mawawala sandali lang tapos nakakabalik agad.

Talaga raw kayang gustung-gusto ni male star na kasama si character actor? Kung sakali, ano naman ang dahilan at gustung-gusto niyang kasama sa trabaho si character actor ganoong kung iisipin wala namang ibang kumukuha roon kung di ang shows lamang niya.

“Friendship” nga naman.

LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with