Kylie Padilla
Kylie blooming kahit lalaki uli ang ipinagbubuntis
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - September 13, 2019 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, habang nagwi-withdraw ako sa isang ATM machine sa may Tomas Morato, Quezon City, may isang buntis na nag-aabang at magwi-withdraw rin.

Gandang-ganda ako sa buntis at parang artista.

Nang makita kong palapit si Aljur Abrenica ay saka ko na-realized na si Kylie Padilla ‘yung buntis.

Pagpasok ni Kylie sa ATM booth, binati ako ni Aljur.

“Mukhang babae ang next baby n’yo, ang ganda ni Kylie,” sabi ko sa aktor, pero sinabi niyang, “Lalaki uli.”

So, like their panganay na si Alas, lalaki uli ang second baby nila.

Hindi talaga totoo ang kasabihan na kapag sobrang blooming ang buntis ay nangangahulugang babae ang kanyang ipinagbubuntis, huh!

Saka kung ang “madrasta” niyang si Mariel Rodriguez-Padilla ay babae ang panganay at babae rin ang ipinagbubuntis ngayon, si Kylie naman ay dalawang lalaki ang anak.

Si Mariel ay nagsabing ok na sa kanya ang dalawang anak na babae, ewan ko lang kung hihirit pa ng babae sina Kylie at Aljur.

Sine Sandaan hanggang next year ang selebrasyon

As of presstime, tumigil na rin ang ulan, kaya mukhang mas marami ang nakapunta sa Sine Sandaan celebration kahapon sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

Kahapon kasi ng umaga, biglang umulan ng pagkalakas-lakas, pero sana nga ay tuluyang nakisama ang panahon sa big event ng local movie industry, huh!

Ang bongga nga dahil pati ang karamihan sa entertainment press ay nag-Filipiniana outfit para sa event ng FDCP (Film Development Council of the Philippines), huh!

Anyway, hanggang September 11 next year tatagal ang selebrasyon ng Centennial Year of Philippine Movie Industry, kaya ‘yung kahapon ay masusundan pa ng mga bonggang event, ‘noh?!

Liza walang maisip na ibang katambal

Sa launch niya bilang endorser ng isang fastfood chain ay natanong si Liza Soberano kung willing siya na makipagtambal sa ibang leading men?

Ang sabi ni Liza, yes daw, pero wala naman daw siyang specific in mind, pero depende pa rin daw ‘yon sa sasabihin sa kanya ng ABS-CBN management.

Pero siyempre, excited na rin si Liza dahil malapit na ring magsimula ang taping ng new teleserye nila ng ka-love team at boyfriend na si Enrique Gil. 

‘Yun na!

KYLIE PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with