^

Pang Movies

PPP umpisa na, Chair Liza umabot na sa pagiging TC para sa Sandaan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
PPP umpisa na, Chair Liza umabot na sa pagiging TC para sa Sandaan
Liza Diño-Seguerra

Kahanga-hanga at kapuri-puri ang sipag at paghihirap ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairwoman Liza Diño-Seguerra para sa local film industry.

Imagine, magkasunod ang events na inayos niya, ang Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 at Sine Sandaan kagabi, sa New Frontier Theater.

Take note, nu’ng halos nagsabay-sabay ang premiere night ng entries last Tuesday, September 10, nilagare niya ang mga sinehan kung saan may preem ang ilang entries. Napawi naman ang pagod niya dahil sa magandang reaksyon ng mga tao sa lahat ng kalahok.

Hindi nagtapos dun ang ginawa niya. Maaga siyang gumising para dumalo sa isang Congress hearing para sa approval ng budget ng office niya. Approved naman ang budget niya through the assistance of Congressman Alfred Vargas.

Then, ‘yung Saandaan event naman ang ginawa at halos inumaga na rin siya sa pag-aayos ng venue. Nag-talent coordinator na rin siya upang masiguro ang attendance ng mga artista at showbiz celebrities na naging parte ng 100 Years of Philippine cinema.

Sa kabila ng paghihirap ni Chair Liza, binabatikos pa rin siya. Pero hindi siya nagpatalo dahil mas nanaig ang pagmamahal niya sa movie industry!

Anyway, ngayong araw ang showing ng PPP movies. Walang foreign film na kasabay at magaganda lahat ng pelikula.

Kaya kahit may bagyo man, suportahan natin ang Pinoy movies dahil piling-pili ang mga ito. Wala mang certified boxoffice star eh, guaranteed beautiful ang mga ito at walang tapon, huh!

LIZA DIñO-SEGUERRA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with