Kathryn Bernardo
Kathryn hindi pa bagay tawaging Asia’s superstar?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 13, 2019 - 12:00am

Hindi naman sa kani-kanino, pero sa palagay namin napakataas na ambisyon naman yung tawaging “Asia’s superstar” si Kathryn Bernardo. Bagama’t totoo na nakagawa siya ng dalawang pelikulang kumita nang malaki, hindi nangangahulugan na yun na ang pelikulang kumita nang pinakamalaki sa buong Asya.

Ayon sa records, ang pelikulang Asyano na nagkaroon ng pinakamalaking gross ay iyong Wolf Warrior 2 ng China na nagtala sa record na mahigit walong bilyong US dollars noong 2017. Papaano ngayon kung umangal ang leading lady ng pelikula na si Celina Jade at tanungin kung ano ang karapatan ni Kathryn na matawag na Asia’s superstar dahil lamang sa dalawang pelikulang halos umabot ng isang bilyong piso ang kinita, na kung susumahin mo ay mahigit na 19 na milyong dolyar lamang?

Kung titingnan din ninyo ang survey, naitalang pinakasikat na mga aktres sa buong Asya sina Han Hyo Joo at Song Hye Kyo ng Korea. Ganoon din sina Yui Aragaki at Aya Ueto ng Japan. Nakalista rin sina Zhang Tiyi at Yang Mi ng China. Sila ang pinakasikat dahil ang mga bansa nila ang may mga pelikulang may pinakamalawak na naaabot sa buong mundo, kung ikukumpara sa mga ibang bansa sa Asya.

Isa pa, kung iisipin mo, bakit nga ba tinawag na Asia’s Superstar si Kathryn? May pelikula na ba siyang nagkaroon ng full thea­trical exhibition sa mga bansa sa Asya? Ang alam namin nagkaroon lang sila ng limited screenings, parang mga block screening lang dito sa atin, para sa mga Pinoy na naroroon.

Iyan ang hirap doon sa claims na Asia agad eh. Isip-isip muna bago magbigay ng title. Dito nga sa atin lang eh, sikat talaga si Kathryn, pero kung tatanungin mo ang mga konserbatibo, hindi pa masasabing umabot siya sa level noong isang superstar. Iyon bang kanyang popularidad sa ngayon ay masasabi mong umabot na sa naging popularidad nina Nora Aunor at Vilma Santos noong kanilang panahon? Baka nga maski na sa level ng popularidad ni Sharon Cuneta noong araw hindi pa siya umaabot eh.

Hinay-hinay lang para kung madapa man, hindi masyadong nakakahiya.

Liza payag nang ‘humiwalay’ kay Enrique!

Nagulat kami doon sa isang statement na payag daw si Liza Soberano na tumambal sa ibang leading man. Aba dapat lang naman. Kahit na sabihin mong syota niya si Enrique Gil, hindi puwedeng sila na lang ang magkasama sa mga pelikula at TV shows habang panahon. Kung mas bibigyan nila ng priority ang kanilang relasyon, hindi na uusad ang career nila.

Lalo na ngayon, napatunayan na nang ilang ulit na hindi naman pala kailangan ang isang loveteam para kumita nang malaki ang isang pelikula.

Isa pa, magiging limitado ang mga pelikulang magagawa niya kung wala siyang makakatambal na iba kung hindi si Enrique Gil.

Anak ng artistang sangkot sa droga, sa fundraising na lang umaasa

Nagpa-fundraising daw ngayon ang anak ng isang artistang nahuli kamakailan lang sa isang buy bust operation. Problema na nila ang pambayad nila sa kuryente, iyong pambili ng gamot ng isang anak noong aktres, iyong pambili ng gatas ng kanyang apo. Kung sinu-sino namang mga kaibigan nila ang tinatawagan na ngayon ng kanyang anak dahil sa naging problema nila pagkatapos na siya ay madampot dahil sa droga.

Kawawa naman ang sitwasyon nila pero puwede nga bang umasa na lang sila sa panghihingi sa mga kaibigan ng pamilya nila? Kung iisipin mo, marami pa naman silang mga kaanak na makakatulong sa kanila, iyon nga lang naiinis dahil sa kasi­raang nangyari dahil sa ginawa ng nanay nila.

KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with