Alden Richards
Alden papasok sa Starstruck
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 13, 2019 - 12:00am

Dalawang gabing magaganap ang final artista journey ng Final 4 ng seventh season ng Starstruck. Seven boys at seven girls ang bumuo sa Final 14. Dumaan sila sa iba’t ibang acting test, hanggang sa napili na sa kanila ang Final 4, 16-year-old Allen Ansay ng Camarines Sur; 19-year-old Kim de Leon ng Batangas; 19-year-old Lexi Gonzales ng Manila at 17-year-old Shayne Sava ng Rizal. Bawat isa sa kanila ay nagbigay ng pahayag kung paano magiging ultimate male and female survivor.

Live ang two-part final judgment bukas, Saturday, September 14 after ng Daddy’s Gurl at sa Sunday, September 15, ang Final Judgment, after ng Daig Kayo ng Lola Ko. 

Gaganapin ito sa Studio 7 ng GMA Network Annex. 

Sa Saturday ang huling acting test ng apat, gaganap sila ng mga off-beat roles, at sa Sunday, ang star-studded presentation, babalik ang 12 avengers at guests din ang mga Starstruck graduates. Magiging special guest sa Final Judgment si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards, na hindi nakapasa nang sumali siya noon sa Starstruck 5.

Sa final competition, ang 50% ng kanilang scores ay magmumula sa Starstruck Council na sina Ms. Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo. Ang another 50% votes ay manggagaling naman sa audience na sa final week ay binuksan na nila sa mga viewers hanggang sa Sunday, i-type lamang ang Starstruck (space) Name of Hopeful and send to 4627. 

Puwede ring bumoto sa Google by searching Starstruckvote, at sa online.

Ang hosts ng Starstruck Season 7 ay sina Ultimate Star and Starstruck Season 1 Ultimate Female Survivor Jennylyn Mercado and Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. 

Inside StarStruck for daily updates is hosted by Kyline Alcantara sa Starstruck official YouTube channel at 6PM.

Julie Anne papalit na kay Regine 

Sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang bagong The Clash Masters ng The Clash 2, kaya sabi ng mga press kay Julie Anne noong mediacon, siya na raw ang papalit sa dating host na si Regine Velasquez ng first batch ng The Clash. Pero mahigpit na tumanggi si Julie.

“Hindi ko po iniisip iyon,” sagot ni Julie Anne.  “Wala pong dapat palitan, hindi po dapat palitan si Ate (Regine). She’s one of the main reasons kung bakit naging successful ang The Clash kaya wala pong dapat palitan. I don’t have to fill anyone’s shoes. Gagawin po lamang namin ni Rayver ang tungkulin bilang mga The Clash Masters. We just have to deliver and we promise to do our best.”

Bago nga natapos ang mediacon, nagpa-sample ang mga press kung paano nila isisigaw ang “The Clash, isa laban sa lahat, lahat laban sa isa!” na isinisigaw ni Regine kapag nagsimula na ang contest. Approved naman sa mga press ang magandang pagsigaw nina Julie Anne at Rayver.

“Kasi po season 2 na kaya dalawa na kami ni Rayver ang sisigaw, kaya kailangan mas matindi,” biro pa ni Julie Anne.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with