KC Concepcion
Nag-aral din ng gemology para ‘di maloko KC may bagong dini-date
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

Umamin si KC Concepcion that she’s dating now which means wala na talaga sila ng French filmmaker na si Pierre Plassart. Sa interview ng TV showbiz correspondent na si MJ Marfori, bagama’t hindi kinumpirma ng dalaga ni Sharon Cuneta ang break-up, wala rin naman siyang denial kaya we guess, ‘yun na nga ‘yun.

Diretsahan nga siyang tinanong kung ano ang status niya ngayon at paiwas na lang niyang sambit, “I’m fresh, as fresh as my foundation,” sabay-tawa.

Pero nang madako ang usapan sa body-shaming, malaya namang nagpahayag si KC ng kanyang opinyon tungkol dito lalo pa nga’t nararanasan niya rin ito mula sa kanyang mga bashers.

Aniya ay hindi lang daw sa LGBTQ community nangyayari ang diskriminasyon kungdi maging sa mga kababaihan.

“For example, sa body shape mo, or sa kulay ng balat mo, may mestizo, may morena, may in-between, di ba?

“Mayroong payat, may chubby, merong sexy chubby,” sabay-hagikgik ala-Sharon Cuneta.

At nais raw niyang iparating sa ating mga kababaihan na dapat ay tanggapin kung ano man daw ang katawan ng mga ito.

“Kasi, for example sa ibang bansa, like sa States ngayon, may mga fashion show na ngayon na as in iba-ibang size, iba-ibang kulay ng tao.”

Nang matanong kung ayaw na ba niya talagang bumalik sa showbiz, aniya, “hindi naman sa ayaw ko na, hindi naman siguro mawawala ‘yung ganito sa dugo ko. Love ko ‘tong job na ‘to, love ko kayo, sobrang gusto ko ‘to, eh. Ito lang din talaga ‘yung gusto ko, eh.”

Katuwa rin ‘yung sey niya na since nag-aaral siya ngayon ng gemology (science dealing with natural and artificial gemstone materials), hindi na raw maloloko ang mommy niya sa pagbili ng diamonds.

“’Yung family ko, mahilig sa mga bato-bato, so sabi ko, ‘para hindi ka na maloko, ma,’ sabi ko, ‘kung anu-ano binibili mo, hindi mo alam kung tunay ‘yan or kung fake, di ba?’” natatawa pa niyang say.

Rafael mainit na tinanggap ang pagbabalik

Comeback teleserye ni Rafael Rossel sa Kapamilya network ang Parasite Island at very thankful siya na muli siyang niyakap ng ABS-CBN matapos mangibang-bahay sa GMA 7 for six years.

Sa mediacon ng nasabing serye ay sinabi ni Rafael that he’s really back for good matapos niyang mag-explore sa ibang networks.

“As you all may know, lumipat ako sa kabila (GMA-7) to explore. ‘Yun ‘yung reason ko talaga - to explore ‘yung buong showbiz bago ako tumanda, dahil gusto ko talagang ma-experience ‘yung buong field.

“Working with the best channel for the longest time, sabi ko, it was time to look at showbiz from a different perspective naman, and I think, the six years na nasa GMA 7 ako, I fulfilled what I wanted to explore at wala, it’s as simple as wanting to come back home and now that I’m home, I’m really happy how things are done here and I’ve missed this channel a lot, sobra,” sabi ni Rafael.

Naging maayos daw naman ang proseso ng paglipat at pagpapaalam and luckily, hindi rin naman siya nahirapang bumalik sa dating tahanan at tinanggap siya nang buong puso.

Mainit din naman ang naging pagtanggap sa kanya ng manonood dahil mataas ang ratings ng pilot episode na nagsimula na last Sunday kaya naman sobrang happy rin ng aktor.

Prior to this ay napanood muna sa Maalaala Mo Kaya si Rafael with Yen Santos at ang naturang episode ay isa rin sa highest-rating ng MMK kaya naman labis-labis talaga ang pasasalamat ng aktor.

Ang Parasite Island ay isang weekend te­leserye na napapanood every Sunday na siyang ipinalit sa Wansapanataym. Kasama niya rito sina Ria Atayde, Desiree del Vale, Liza Lorena, Paulo Angeles at ang mga baguhang sina Kaori Oinuma, Charlie Dizon at Fino Herrera.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with