Katrina at Kim iisang lalaki lang ang minahal!
(Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puso o pamilya? Ito ang mabigat na tanong na kailangang sagutin ng dalawang babae matapos silang paglaruan ng tadhana.

Ito ang kuwento ng magkapatid na sina Liezel at Mariel na nakulong sa isang malaking gulo na susubok sa kanilang moralidad at pagmamahal sa pamilya.

Lumaki si Liezel na busog sa pagmamahal ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang nakatatandang kapatid na si Mariel.

Noong maghiwalay ang kanilang mga magulang, nagkalayo din silang dalawa. Mas pinili ni Liezel na sumama sa kanyang ina na si Annette, at si Mariel naman ay sumunod sa kanyang amang si Bong sa Romblon.

Dahil dito, tuluyan nang naputol ang kanilang komunikasyon at relasyon.

Lumipas ang maraming taon, walang silang kamalay-malay na muling magkukrus ang kanilang mga landas, ito ay nang lokohin sila ng iisang lalaki at pareho sila nitong pakisamahan.

Ipinakilala ng lalaking ito ang sarili kay Mariel bilang si Mark at nakilala naman ito ni Liezel bilang si Michael.

Paano tatanggapin ng magkapatid na iisang lalaki pala ang kanilang minamahal? Ano ang magi-ging epekto ng sinapit nilang kapalaran sa kanilang relasyon at kani-kanilang pagkatao?

Sa pangunguna nina Katrina Halili, Kim Domingo at Kiko Estrada, tunghayan ang kabuuan ng kakaibang kuwento ng pamilya, pag-ibig at pasakit ng magkapatid ngayong Sabado, September 14, 2019, sa Magpakailanman, mula sa direksyon ni Rechie Del Carmen.

KATRINA HALILI KIM DOMINGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with