Maraming artista, dadagsa sa Sine Sandaan
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

Walang shooting at taping

Alam mo, Ateng Salve, nakaka-excite na mag-attend ng Sine Sandaan event mamaya sa Araneta Center.

Malaking event ito bilang selebrasyon ng 100 years ng Philippine cinema, kaya asahan na dadalo roon ang maraming showbiz icons and stars.

In fairness, wala raw tapings and shootings bukas para makapunta nga roon ang maraming mga artista at iba pang involved sa local movie industry.

Si Annabelle Rama nga nang makausap ko ay nagsabing pupunta siya roon para samahan ang anak na si Richard Gutierrez.

Mismong executives daw ng ABS-CBN ang nagre-remind na importanteng dumalo sa event na ‘yon na pinangungunahan ni FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chairperson Liza Diño-Seguerra.

Gagawin daw “art deco” ang New Frontier Theater para makapag-“trip down memory lane” ang mga a-attend sa nasabing event.

How exciting, huh!

Alam mo, Ateng Salve, hindi ko palalampasin ang event na ito na tiyak na maisusulat sa history of Philippine showbiz!

Aktor na kuripot sa personal na buhay, hindi maramot sa mga nangangailangan

Ang bongga naman ng kilalang aktor na ito.

Kung para sa iba ay supladito siya dahil ayaw na ayaw niyang natatanong siya ng personal na bagay lalo na ‘yung tungkol sa anak niya sa isang ex-showbiz girlfriend, para naman sa ilang mga lihim niyang natutulungan ay sobrang bait siya.

Hindi nga lang kasi palakuwento si aktor, pero marami palang mga kasamahan sa showbiz industry ang natulungan na niya.

Kapag nalalaman daw niya na may mga katrabahong nagkakasakit, nagpapadala raw kaagad ng tulong si aktor.

Nang may mabalitaan nga raw ito na may isang kasamahan sa production na kailangang operahan, kaagad daw nagpapadala ng P150,000 si aktor bilang tulong sa taong ‘yon.

Sobra nga raw ang pagiging generous ni aktor, pero pagdating nga sa mga bagay-bagay, lalo na sa personal niyang buhay, doon siya “kuripot”!

Well...

Sharon at Regine tinupad ang request ng fans

Kahit sobrang mabili ang tickets para sa Iconic concert nila, haharap pa rin pala sa entertainment press sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid para mai-promote ‘yon.

Sabi ng isang namamahala sa Iconic, parehong masaya ang Megastar at Asia’s Songbird na mabili ang tickets para sa kanillang October 18 & 19 concert sa Araneta Coliseum.

Parehong sobrang proud sina Sharon at Regine na magkakasama na sila sa isang major concert.

Last year kasi ay nag-guest si Sharon sa concert series ni Regine sa New Frontier Theater at itong Iconic concert na nga nila ang katuparan ng request ng maraming fans nila na magsama talaga sila sa isang major concert.

‘Yun na!

SINE SANDAAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with