Marian, Dingdong
Marian kahawig na ng leading lady sa Descendants… !
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

Very refreshing ang new look ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na muling nakausap ng media para sa latest endorsement niya. Pero ang ibang press, may ibig daw bang sabihin ang pagpapaikli niya ng buhok, hindi nga sila nakatiis na tanungin si Marian kung tinanggap na ba niyang maging leading lady ng asawang si Dingdong Dantes sa ginagawa nitong drama-action series, ang Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun kasi ganoon daw ang hairstyle ng bidang si Dr. Kang?

“Hindi, iyon pa rin ang reason ko kung bakit hindi kami puwedeng magsabay gumawa ng isang teleserye ni Dong, kawawa ang mga anak namin kung sabay namin silang iiwanan para magtrabaho,” sagot ni Marian. “Nagustuhan ko lang magbago ng hair style para naman maiba ang look ko. Kasama ko nga si Dong nang magpa-hair cut ako, nakatitig lang siya sa akin. After, tanong ko, hindi ba niya nagustuhan, ang sagot niya, ‘ang ganda mo!’”

Magdu-join si Dingdong ng Berlin Marathon sa September at pabaon daw niya sa asawa ay ang dasal niya para sa kaligtasan nito.

Tough Mama nga ang turing ngayon kay Marian, tulad ng bago niyang ini-endorse na Tough Mama a­ppliances. Paano sasabihing tough ang isang ina?

“Tough Mama ka kung sabay-sabay mong naga-gampanan ang pagiging asawa, ina at nagtatrabaho ka pa. Lahat ng mga Mama, tough, depende sa re-ligion, kasi kasama na rito ang faith at trust kay God. Ako bata pa natutunan ko na sa Mama at Lola ko ang pagiging tough, pero mas higit sa Lola ko dahil siya ang nagpalaki sa akin habang nagtatrabaho abroad si Mama.

“At iyon din ang nagustuhan ko nang i-offer sa aking maging brand ambassador ng Tough Mama. Hindi ko nga alam na ang mga binibili ko palang appliances noon pa ay gawa nila, until ini-offer nila sa akin para i-endorse. Kaya ina-assure ko naman sa inyo na matitibay silang lahat.”

Sa mediacon, nagpakita pa si M­arian ng pagluluto na gamit ang iba’t ibang appliances sa tulong ng isang chef. Hindi raw talaga puwedeng hindi siya magluluto sa kanilang bahay ng mga paboritong food nina Dong at si Zia, na spaghetti.

Kaya Tough Mama talaga si Marian, bukod sa pag-aalaga sa asawa at mga anak nila, nagbalik na rin siya sa trabaho niya at muling nag-host na ng Tadhana drama anthology every Saturday at next month, balik na rin siya sa Sunday PinaSaya.

PPP umpisa na!

Bukas na, Friday, September 13, ang opening ng Pista Ng Pelikulang Pilipino na mapapanood ang entries in selected cinemas nationwide hanggang September 19.

Isa sa entries ang Circa na nagtampok kay Ms. Anita Linda na at 96 ay patuloy pa ring nagpi-perform. Kaya naman tinawag siya ni Director Adolfo Alix, Jr. na isa siyang u­nassuming superstar.  Sa Circa huling mapapanood si Eddie Garcia.

Isa pa ring kasali sa PPP ang Panti Sisters na pinuri rin ng mga nanood sa kanilang premiere night last Tuesday, sa SM Megamall.

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with