Romnick Sarmenta
Pag-throwback ng AP, nakakatulong sa ratings
Vir Gonzales (Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malaking factor ang pagbulaga ng dating matinee idol na si Romnick Sarmenta sa  serye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probin-syano. Malaking bagay din ang ginagawa ng nasa­bing serye sa pagto-throwback ng mga dating artistang talaga namang tinilian at hinangaan, tulad na lamang ni Judy Ann Santos na kamakailan lang ay agaw-eksena sa palabas.

Kakaiba ang ipinakita niyang role doon kumpara sa mga orihinal na role na nakasanayan na niyang gawin. Ganunpaman, kaagad na nagpaalam si Juday sa AP dahil balitang eere na raw ang serye nitong Starla na sinasabing papalit sa serye ni Angel Locsin na The General’s Daughter.

Alden parang Kapamilya na

Parang gamit na gamit daw ata ngayon si Alden Richards ng ABS-CBN mula nung magtambal sila ni Kathryn Bernardo para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye. Maging sa ABS-CBN Ball 2019 ay gustong papuntahin ng fans si Alden, eh samantalang hindi naman siya Kapamilya. Tsaka kung pupunta siya roon, malamang ay marami siyang masasapawan na artista ng Dos. Pero sabi nga hindi naman daw talaga invited si Alden.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to September born movie celebrants:

Sen. Grace Poe, Divina Valencia, Joel Gorospe, Diana Abejero at Ketchup Eusebio.                                                                                                                                        

ROMNICK SARMENTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with