Lambingan ng magka-partner sa serye, kunya-kunyarian lang
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

Hindi raw puwedeng ligawan ng isang young actor (YA) ang ka-loveteam niya ngayon.

Eh ‘yung malalapit na press kay YA ay alam ang sexual preference niya – lalaki!

Ang balita nga, isang foreigner ang boyfriend ni YA. Magaling lang siyang magtago kaya naman walang lumabas na litrato nilang dalawa ng BF, huh!

Kaya ang lambingan ni YA sa kanyang kapareha eh sakayan lang para sa kanilang program. Tutal naman, click naman sila sa manonood!

Marian may pampalubag loob kay Dingdong

Buhos pa rin ang bagong endorsements kay Marian Rivera na kung hindi man renewal ng kontrata, eh first time naman na kinuha ng Tough Mama Home Appliances na nagkaroon ng launching last Tuesday sa SEDA Hotel.

Swak na swak ang brand ng endorsement ni Yan dahil sa totoong buhay eh, isa siyang tough mama sa mga anak na si Zia at Ziggy.

Kung minsan nga lang, hindi niya mapuntahan ang ilang mahahalagang events sa personal na buhay ng asawang si Dingdong Dantes gaya ng 2019 Berlin Marathon sa Germany sa September 29.

“Gusto niya kasama ang buong barangay. Ang dalawang anak ko at saka ako. Sabi ko, ‘Dad sorry talaga,” saad ni Yan sa press launch.

Siyempre, feeling guilty si Marian dahil first time na gagawin ni Dong ‘yung pagsali sa ibang bansa.“May maliit ako Parang ang hirap namang bitbit ko si Ziggy, kasama ko si Zia, nadoon kami. Sabi ko paglaki ng isa, kahit saan tayo magpunta, kakaladkarin ko. Wrong timing eh,” sey pa ni Mrs. Dantes.

Pero may gagawin si Yan, magpagawa ng picture niya at kinutsaba ang isang kasali sa marathon na dalhin ito.

“Para pag malapit na, iangat ang picture ko para kunwari nandoon ako. Magpapa-print ako ng picture, ipadadala ko, para sabi ko pang nandun din ako.

“Totoo! Gagawin ko talaga ‘yun!” bulalas ni Marian.

ACTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with