Alden Richards
Alden aminadong may iba pang calling!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 11, 2019 - 12:00am

Para kay Alden Richards, ang best gift na natanggap niya sa buong buhay niya ay ang pagiging aktor niya.

“With this gift, binago po nito ang buhay ko,” pahayag ni Alden sa grand media launch ng bago niyang primetime series sa GMA 7, ang The Gift.

“Pero as much as it’s changing my life, I’m changing others as well, through the inspiration they get through the projects that I make, especially po the fans.

“Ang ikinatutuwa ko po kasi is mahal ko po ‘yung trabaho ko, na mas minamahal ko po siya kapag mayroon po akong siyempre, nababasang comments, mga lumalapit sa akin na, ‘O, Alden, ang ganda ng ginawa mong ganitong klaseng project and you changed my life’,” patuloy niya.

Ang pagbibigay daw ng inspirasyon na ito sa mga tao ang siyang goal niya at ito rin daw marahil ang higher calling hindi lang sa kanya kungdi sa mga kasamahan niyang artista.

“Yung hindi lang po kami artista, hindi lang po kami nagpu-portray ng mga roles, hindi lang po kami nakikita sa TV. But, the higher calling po sa aming mga aktor is really to give inspiration to people especially po mga kababayan nating Pinoy,” aniya.

Sundot na tanong sa kanya ay kung regalo rin ba ang nahiwalay siya sa loveteam without mentioning Maine Mendoza’s name at sagot ng aktor, “blessing in a way po na parang binigyan po ako ng chance na mag-grow.”

Patuloy niya, “masarap po ‘yung pakiramdam na nakakagawa ka ng mga proyekto na magiging proud ka sa sarili mo. So, masaya po ako sa mga nagiging desisyon ko ngayon.”

Jo karga-karga pa rin ni Alden kahit hindi na eksena

Still on The Gift, masayang-masaya naman si Jo Berry na pagkatapos ng Onanay ay binigyan siya ulit ng bagong serye ng GMA 7 at si Alden pa ang kasama.

Sa The Gift ay ginagampanan ni Jo ang ina na nagpalalaki sa karakter ni Alden dahil nawalay ito sa biological mom nang maliit pa, kaya naman sila talaga ni Alden ang laging magkaeksena.

Mas bata si Jo kay Alden kaya natanong siya kung paano niya nagampanan ang role niya bilang ina ng aktor.

“Mahirap in a way, pero kasi, tinulu­ngan po talaga ako ni direk LA kung paano ako maga-adjust, and si Alden din po, malaking tulong na pina-feel niya sa akin na pwede akong maging kumportable sa kanya, first few days pa lang, kaya naging magaan po ‘yung pagiging nanay ko sa kanya,” sey ni Jo.

May mga eksena sa The Gift na karga-karga siya ni Alden at natanong siya tungkol dito. “Opo, kahit hindi po sa eksena, kinakarga niya ako,” sambit ni Jo.

May panunukso ang mga cast and staff kay Jo habang sinasabi niya ito at parang kinikilig naman si Jo.

Inamin naman niya na talagang kinikilig siya kay Alden dahil noon pa raw ay idol niya ang aktor at isa raw talaga sa idinadasal niya noon pa na makatrabaho ito kaya naman sobrang happy siya na dininig ng Diyos ang kanyang prayer

When asked kung ano ang nakakakilig kay Alden, sagot ni Jo, “ay sobrang galing niya pong aktor. Hindi pa po ako artista, lagi ko na siyang pinapanood. So, ang daming instances dati na lalapit ako, magpapa-picture lang ako.”

At lagi rin daw niyang sinasabi dati pa kay Alden na sana raw ay magka-work sila kaya naman sobrang happy siya na natupad na ito.

Magsisimula na ngayong September 16 ang The Gift sa GMA Telebabad.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with