Mga artistang durugista at may konek sa prostitusyon parami nang parami
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 11, 2019 - 12:00am

Bakit nga ba hindi matigil ang problema ng droga sa showbusiness? Alam nilang hindi biro ang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga. Hindi lang sampu ang mga artistang nakulong dahil sa droga. Hindi dahil sikat ka makakalusot ka na. Nakita ninyo, maski na si Mark Anthony Fernandez nakatikim ng “provincial jail” nang matagal. Si Nora Aunor nga nakatikim ng community service sa Amerika. Ilan ang mga artista, babae man o lalaki na na-city jail dahil sa droga, at ilan sa kanila ang nasa city jail pa matapos ang maraming taon?

Kaya minsan iniisip namin kung bakit may nasasalubong pa ka­ming male star na akala mo zombie dahil high sa droga. Hindi mo maisip kung bakit ang isang kasing tanda na ni Deborah Sun na 60 years old na, senior citizen na, nahuli pa rin dahil sa droga.

Ang unang dahilan na sinasabi nila ay ang lifestyle. Nasanay sila sa magarbong pamumuhay at kung nawala na iyon, gagawa sila ng paraan para makapamuhay pa rin nang ganoon, kahit na magtinda ng droga. Bilang mga artista, kilala nila ang kapwa nila artista na may pera rin, at may pambili ng droga.

Iyon namang mga sikat pa, napapraning dahil hindi niya alam kung hanggang kailan siya tatagal. Sa artista, malaki ang kita pero walang security of tenure. Kahit na may kontrata ka pa sa kumpanya, basta hindi ka na kinakagat, wala ka na. Sa mga indie ka na lang ilalagay na alam mo namang hindi kikita.

Iyan ang sinasabi nilang mga pangunahing dahilan kung bakit may nagugumon sa droga sa mga artista. Iyan din namang mga drug dealer, alam nila na ang mga artista malaki ang kita, kaya iyan ang target nilang bentahan. Bukod doon, tiyak na sikreto ang deal, dahil ililihim ng mga artista iyan, makakasira sa kanila oras na mabunyag.

Dapat kumilos ang KAPPT (Kapisanan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon). Nakakasira na sa mga artista ang mga kuwento tungkol sa mga nahuhuli sa droga at pumapasok sa prostitusyon.

Pia big star sa NY Fashion Week

Ang balita, star sa New York Fashion Week si Pia Wurtzbach. Aba dapat naman. Si Pia ay isang professional model. In fact mas sikat siya bilang model kaysa sa pagiging isang artista. Isa pa, hindi mo ipagtatanong si Pia dahil naging Miss Universe iyan. Malaking kalokohan kung hindi mo gagawing star ang isang dating Miss Universe.

Nabanggit lang namin iyan dahil sa naging issue noong mga nakaraang panahon na may modelo raw Pilipino na binastos sa US dahil hindi sila pinayagang rumampa. Sinabi pa raw ng organizers na “no Filipino on stage”.

Eh sumugod sila roon nang hindi maliwanag kung kinukuha nga ba sila o hindi eh, tapos kung ibasura sila galit sila. Isa pa, wala silang pangalang maipagmamalaki dito man at lalo na sa US.

Kampanya ng aktor, walang epekto sa kamag-anak

Wala nga bang magagawa ang isang maimpluwensiyang actor para tulu­ngan ang kaanak niyang nahuli dahil sa droga? Palagay namin mayroon naman kung ipagpipilitan niya, pero siguro naman nahihiya rin siya dahil alam naman niya ang kampanya ng gobyerno laban sa droga, at kasama siya sa kampanyang iyon. Malaking kahihiyan na ngang kaanak niya mismo hindi sumunod sa ikinakampanya niya, gagawa pa ba siya ng paraan para makalusot iyon?

NY FASHION WEEK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with