^

Pang Movies

‘Di pa nga nakakalabas Baby Girl ni Solenn may love life na agad

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
�Di pa nga nakakalabas Baby Girl ni Solenn may love life na agad

Nakakatuwa ang baby girl nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico dahil ilang weeks pa lang sa tummy ni Solenn, pinag-aagawan na ng magpinsang Isabelle Daza at Georgina Wilsonpara sa kani-kanyang anak na lalake.

Sabi kasi ni Isabelle, “Baltie’s future GF” na ang tinutukoy, ang anak niyang lalake. Best comment para sa netizens ‘yung sinabi ni Isabelle, kaya lang, sagot ni Nico, magpinsan ang son ni Isabelle at baby girl nila ni Solenn. Sumabat si Georgina ng “@nicobolzico arch’s future gf!!! You can’t say no!!! Hahaha.”

Natuwa ang netizens na mga bata pa lang, pinagpa­planuhan na ng mga nanay ang love life ng kanilang mga anak.

Martin binantaan ng fans ni Alden

Parang kontrabida ang role ni Martin del Rosario sa primetime series ng GMA 7 na The Gift, kaya biniro siya ng supporters ni Alden Richards na ‘wag sasaktan ang aktor dahil sila ang kanyang makakalaban.

Nagbibiro lang ang fans ni Alden dahil pagdating sa trabaho, kung professional si Alden, ganu’n din sila. Saka, alam nilang magtatrabaho lang sina Alden at Martin na gaganap sa role nina Sep at Jared respectively. First time silang magkasama  na parehong magaling na artista. 

Sa September 16 na ang premiere night ng The Gift sa direction ni LA Madridejos.

Samantala, ‘katuwa ang guesting nina Martin, Christian Bables at Paolo Ballesteros sa EatBulaga to promote their movie Panti Sisters dahil naka- ayos babae ang tatlo na ang gaganda.

May nagtanong lang, bakit daw ang cast ng Panti Sisters, nakapag-promote ng kanilang movie sa Eat Bulaga, bakit si Alden Richards hindi nakapag-promote ng Hello, Love, Goodbye dati?

Verdict pinupuri sa abroad 

In-announce ni FDCP Chair Liza Diño na may limited run sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino ang pelikulang Verdict na mula sa direction ni Raymund Gutierrez Ribay. Graded A ng Cinema Evaluation Board ang pelikula at tampok sina Maxine Eigenmann at Kristoffer King. Ito ang last movie ni Kristoffer bago siya pumanaw.

Tumanggap ng Special Jury Prize Award sa Venice International Film Festival ang Verdict, dadalhin sa Toronto International Film Festival at sa Busan International Film Festival at sa iba pang film festival.

Positive ang review ng critics sa movie na tungkol sa domestic violence at struggle for justice. Pinuri rin ang Verdict ng Hollywood Reporter. Produced ito ng Center Stage Productions ni director Brillante Mendoza.

The Clash handa na...

Mali ang mga nag-akalang si Pamela Prinster ang mananalong Female Survivor sa Starstruck 7 ng GMA 7 dahil eliminated si Pam sa episode ng talent search last Sunday. Hindi siya pumasok sa Final 2, ligwak ang beauty ng dalaga dahil sina Lexi Gonzales at Shayne Sava ang Final 2 sa girls. Sina Kim de Leon at Allen Ansay naman ang pumasok sa Final 2 ng boys, naligwak ang bet ng maraming reporters na si Abdul Raman. Nauna ring na-eliminate si Jeremy Sabido na bet din ng press people.

Sa September 14 o 15 na yata ang finals ng Starstruck dahil sa September 21, na raw ang pilot ng Season 2 ng The Clash.

vuukle comment

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with