Kathryn di pumatol!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 10, 2019 - 12:00am

Hindi pinatulan ni Kathryn Bernardo ang sinasabi ng ibang pambabastos sa kanya nang ang kanyang picture ay takpan ng mukha ng ibang artista, bagama’t galit na galit ang fans ng box-office record holder dahil sa ginawang iyon ng isang kumpanya.

Pero siguro nga hindi na dapat patulan ni Kathryn ang ganung issue. Una, lumabas lang naman iyon sa isang social media post ng isang kum­panya. Kanila ang post. Kanila rin ang account. Kaya siguro inakala nilang magagawa naman nila kung ano man ang gusto nila. Wala naman silang sinabing masama laban kay Kathryn, ang nangyari lang tinakpan ang picture niya dahil hindi naman siya star ng kumpanya.

Isa pa, sa kalagayan niya ngayon hindi na talaga dapat nagpapapatol si Kathryn sa mga ganyang klase ng issue. Siya ang nakalalamang ang popularidad sa ngayon at kung maisangkot man siya sa anumang issue, hindi siya ang makikinabang. Ang mangyayari kasi, may mapag-uusapan pang iba at her expense. Kaya tama lang ang pananahimik niya sa issue.

Noon namang inulan sila ng katakut-takot na bash ng fans ni Kathryn, inalis naman nila agad ang post na iyon.

Hindi na maiiwasan ni Kathryn ang mga bagay na ganyan. Sa ngayon kasi, siya ang sinasabing star to beat. Natural siya ang target ng lahat. 

Siya ang pinakamalaki sa kasalukuyan eh. Siya ang sumira sa lahat ng mga nakaraang box-office history, at si­guro nga walang masasabing sino man sa mga kasabayan niya sa ngayon ang maaaring lumaban sa kanyang record.

Iyan ang hirap ng isang artistang nasa itaas. Mayroong tendency ang iba na hilahin ka pababa kung mababatak ka.

Lito Legaspi maraming naiwang kaibigan 

Malungkot ang balita noong Linggo ng umaga, pumanaw na matapos ang isang atake sa puso ang beteranong actor na si Lito Legaspi. Siya ay 77 taong gulang. Kulang na lang ng ilang araw para sa 78th birthday niya.

Nagsimula si Lito sa Sampaguita Pictures noong araw, pero nakilala namin siya noong mga late 70s na nang maging talent siya sa isang radio station kasama ang pilantropong kung tawagin ay si “Mommy Angel ng Sapang Palay.”

Gumagawa rin siya ng mga radio drama noon, kasama ang isa pang dating Sampaguita star na si Loretta Marquez.

Mabait na tao iyang si Lito, napakarami niyang mga kaibigan. Nakakahinayang at maaga siyang pumanaw. Madalas ay nakakasama pa siya sa mga  ng GMA-7 teleserye.

 Naiwan niya ang tatlong anak na mga artista rin, sina Zoren, Kier at Brando Legaspi.

Young actress pinagpahinga muna dahil sa katigasan ng ulo!

Mukhang mahihirapan ang isang female star dahil diniretsa na raw siyang baka hindi na muna siya bigyan ng kahit na anong assignment hangga’t hindi nalilinis ang kanyang image dahil sa kinasangkutang controversy kamakailan lamang. Siya kasi ang sinisisi ng network na nagbilin na pala sa kanilang huwag nang palakihin ang issue, kaso hindi nakinig ang pamilya niya at nakipagtalakan pa.

Dahil matigas din naman ang ulo niya, siya ang tumagilid at ngayon talagang napakasama ng kanyang image sa publiko, kaya ang naging desisyon nga ay magpahinga na muna siya habang mainit pa ang issue dahil kung hindi babalibag pa siyang lalo.

KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with