Derrick Mo­nasterio
Derrick aminadong nahirapan sa bagong ginagawa
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 9, 2019 - 12:00am

Huhusgahan na ngayong gabi ang isa sa tatlong malalaking proyekto ng GMA Network, ang Beautiful Justice na magtatampok sa mahuhusay na actors nila na sina Yasmien Kurdi, Bea Binene, Gabbi Garcia, Gil Cuerva at Derrick Mo­nasterio.

For Derrick ito ang todo-action series na ginawa niya so far.  Ano kaya ang ginawa niyang paghahanda?

“Nagtraining po ako sa paggamit ng gun, sa boxing at may series of workshops din kaming ginawa,” kuwento ni Derrick. “Kailangan po namin talagang paghandaan ang bawat eksena dahil kung hindi kami fully-prepared, doon mahirap ang execution.

“Ang pinakamahirap ko nang nagawang eksena ay iyong barilang scenes.  Kailangan kasi tama ang paghawak ng baril, iyung tama ang pagkakasa mo nito, mabigat po ang baril kaya medyo mahirap.”

Inamin ni Derrick na ito na ang pinakamabigat na seryeng ginawa niya.

“Isa pa po, iyong timeslot namin, malakas ang kalaban. But it’s an honor and privilege dahil malaki po ang tiwala ng GMA sa amin, sa project namin. Yes, nakaka-pressure, pero masaya kami dahil marami kaming support from PDEA, from our Kapuso, magagaling yung team namin, lalo na si Direk Mark Reyes, sobra po niyang passionate sa project naming ito.”

PDEA agent nga si Derrick dito, pero may twist sa story na hindi pa niya puwedeng ikuwento.

First time ring makakatrabaho ni Derrick si Gabbi Garcia pero masaya raw siya at madali niyang nakasundo ang leading lady niya. Wishing daw niyang may mga eksena silang nakaka­kilig at marami ring ma-action scenes. Masaya rin si Derrick na muli niyang makakatrabaho ang best friend na si Bea Binene na nakasama na niya simula pa sa unang project niya sa GMA-7. First time naman niyang makakasama si Yasmien Kurdi pero madalas na raw niyang napapanood ang mga serye nito at bilib siya sa acting nito.

Thankful si Derrick na ngayong halos araw-araw ang taping nila ng Beautiful Justice, tapos na siya sa shooting ng upcoming movies niyang GLU at Kiko at Lala with Super Tekla.

Tonight, September 9, ang world premiere ng Beautiful Justice sa GMA primetime telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.

Gil pangarap na makapagsulat at makagawa ng scripts

No problem naman kay Gil Cuerva kung after niyang magbida sa first teleserye niya sa GMA Network, ang My Love From The Stars ngayon he is playing support to Yasmien, Bea and Gabbi playing PDEA agents sa Beautiful Justice. Pero based sa trailer ng drama-action series, siya ang laging kasa-kasama ng tatlong lady PDEA agents at laging napapalaban ng bakbakan. May twist kasi ang story at pansamantalang mawawala sa eksena si Derrick.

“Kahit anong role tatanggapin ko, kasi gusto kong ma-experience ang iba’t ibang role na io-offer sa akin ng GMA,” sabi ni Gil. “Gusto kong mabigyan ng chance to do better.”

Pero may isa pa palang dream si Gil.

“I wanna do writing for movies, or writing for TV shows, writing scripts, or produce. Marami akong naiisip pero hindi ko naman naisusulat. Darating din iyon, sa ngayon, sa acting na muna ako.”

DERRICK MO­NASTERIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with