Mga artistang ‘la ocean deep’ pinagre-retire na
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 9, 2019 - 12:00am

Sino nga ba tayo para magsabing dapat nang mag-retire ang isang artista? Lagi kasi silang may dalawang choices. Halimbawa ang mga sikat na aktres na si Carmen Rosales, o si Lolita Rodriguez, na nag-retire noong panahong napakataas pa ng kanilang popularidad. Tingnan ninyo ang resulta, hanggang ngayon ay kinikilala silang mga legend.

Mayroon naman noong kagaya ng yumaong si Eddie Garcia, o si Gloria Romero na hanggang ngayon ay lumalabas pa, iyon ay dahil hindi nila maiwanan ang acting, at gusto nilang malaman hanggang kung ilang henerasyon silang susundan ng fans.

Pero kung may makakaalam man kung kailan ang isang artista ay dapat nang mag-retire, wala nang iba kung ‘di sila na rin mismo.

Una, depende yan kung may magagandang offers pa bang dumarating. Kung wala na, oras nang mag-retire. Pangalawa, kung nakukuha pa ba nila ang suporta ng publiko. Kung ang mga pelikula at shows nila ay hindi na kumikita, time to retire. Ang pinaka­matindi, iyong sa kabila ng pagta-trying hard ay wala pa ring kumukuha sa kanila, kahit na kung sinu-sino na ang naglakad para sa kanilang career, iyon definitely dapat na talagang mag-retire.

Napakasakit tignan para sa isang artista yung nagmamakaawa para lamang makakuha ng projects, at lalong nakakaawa iyong wala nang makuhang suporta mula sa publiko.

Nakagisnan kasi natin na iyang mga artista ay iginagalang at iniidolo ng fans, eh kung hindi na ganoon, dapat maawa rin naman sila sa sarili nila at mag-retire na lang para mailigtas ang sarili nila na matawag na nalaos na.

Claudine walang pinabayaan sa mga anak

Apat na ang anak ni Claudine Barretto. Noong isang araw ay ipinakilala niya sa publiko ang isa pa niyang anak na ang pangalan ay Noah Joaquin. Sa apat na anak ni Claudine, isa lamang ang kanyang biological child, si Santino na anak niya sa dating asawang si Raymart Santiago. Iyon namang nauna niyang inampon na si Sabina, bale inampon na rin naman ni Raymart.

Iyong pangatlo at pang-apat, siya na lang ang umam­­pon dahil hiwalay na sila ni Raymart noon.

Ang maganda lang kay Claudine, wala siyang pinabayaan sa kanyang mga anak. Lahat sila ay nabibigyan kung ano ang kanilang kailangan. Hindi kagaya noong iba na ampon lang nang ampon tapos gutom naman iyong mga inaampon nila. Masaya si Claudine sa lahat ng kanyang mga anak. Okay iyon.

Mga taong nanira sa aktres, kinarma!

Natatawa na lang ang isang aktres sa sinapit ng mga nanira at umapi sa kanya, tila binagsakan na nga ng karma dahil hanggang ngayon ay walang trabaho. Siya naman, bukod sa pelikula, ay may ginagawa pang bagong serye sa telebisyon.

Kung iisipin mo, good karma kasi siya. Kahit na tinatalakan siya at sinisiraan, hindi niya pinatulan ang lahat ng mga talak sa kanya. Eh bakit nga ba wala naman siyang kasalanan. Ngayon tingnan ninyo, maganda pa rin ang takbo ng kanyang career. Ang mga kumalaban sa kanya, gutom na.

Ganyan talaga ang buhay.

CARMEN ROSALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with