Ogie sinalungat ang gusto ni Vice Ganda tungkol sa CR!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 8, 2019 - 12:00am

Kung si Vice Ganda ay nais ng separate comfort rooms para sa LGBTQ+ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer), magkasalu­ngat naman sila ng opinyon ng kanyang kaibigan at dating manager na si Ogie Diaz.

Para kay Ogie, hindi big deal ang pagkakaroon ng hiwalay na toilet para sa LGBTQ community at pinayuhan niya ang mga kapatid sa LGBTQ+ na kung ano ang gender nang ipanganak ay doon mag-CR.

“Akin lang naman ito. Tungkol ito sa mga kapatid sa LGBTQ+. Kung ano ang gender n’yo nu’ng ipinanganak kayo, ok lang naman, du’n pa rin kayo mag-CR. Kasi, nakalaan din yon sa yo, nagkataon lang na nakabihis-babae ka.

“Tulad kunwari sa mga transgender/transexual, kung feeling n’yo, eh mas kumportable kayong sa female CR pumasok, gow! For as long as hindi n’yo naman gustong kabugin ang mga babae sa loob. Maayos naman kayong papasok at hindi magmamaldita o magsisiga-sigaan,” ang simula ng post ni Ogie sa kanyang Facebook account.

Payo pa ni Ogie sa mga LGBTQ+, dedmahin na lang daw kung may iirap o mandidilat sa mga ito as long as hindi sila sinasaktan or pinagsasalitaan nang masakit.

“Puwede rin naman kayong pumasok sa CR ng lalake, dahil hindi n’yo pa naman siguro nakakalimutang umihi nang nakatayo, di ba? Pero kung feeling girl ka na at gusto mong sa cubicle umihi nang nakaupo kahit hindi ka pa operada, the cubicle is all yours. Kahit paupo ka pang umihi sa bowl, keri lang.

“‘Yung pasulyap-sulyap sa ‘yo ang mga guys na pumapasok sa CR nila, normal lang ‘yon. Kasi nga, iniisip din nila kung mali bang CR ang napasok nila o nahiya lang sila, dahil may magandang dilag ang naligaw sa CR nila,” patuloy ni Ogie.

Sinabihan din niya ang mga kapatid na huwag nang mag-request ng sariling CR at ang hangarin na lang ay malinis at mabango ang CR sa malls.

“Saka habaan nating mga bakla, lalo na ang mga kapatid na trans, ang ating pasensiya, lalo na’t hindi naman nu’ng kapanganakan n’yo iniba ang gender n’yo, di ba?

“Hindi porke komportable ka na nakabihis-babae at masaya ka na feeling babae eh kailangang intindihin ‘yon ng lahat ng tao. Kung paanong hindi lahat ng tao, maiintindihan ‘yung happiness mo na magdamit babae. Maaaring may mga nakikiisa sa kung ano ang ayos mo at niyayakap ka, pero ang nakalulungkot, walang “sana all,” eh.

“Dahil we really cannot please everybody. Kahit ano’ng paliwanag mo, yes may makakaunawa, meron ding di makaka-gets sa ‘yo.

“Kaya tama na ‘yung minsang pakikipaglaban sa nararamdaman, sa respetong hinihingi, karapatan at equality. Sa panahon ngayon, ang madalas na ipinaglalaban at pinag-uusapan, lalo na’t araw-araw na lang laman ng social media, ay nakakaumay din,” pahayag pa ni Ogie.

“Gusto ko lang sabihin: Lahat tayo, may pinagdadaanan. Hindi lang ikaw na pinili mong maging babae o barako. Kahit ang mga normal na lalake at babae, meron ding sariling emote tungkol sa kanilang karapatan at existence o pagkakaroon ng double standard, hindi lang ikaw.

“Lahat tayo, may kani-kanyang isyu,” aniya pa.

Matatandaang nagsalita si Vice Ganda sa It’s Showtime ng kanyang opinyon sa debateng ito at nais niyang ihiwalay na ang CR ng mga LGBTQ para maging kumportable na ang lahat.

OGIE DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with