Claudine nilantad ang bagong baby
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 8, 2019 - 12:00am

Noon ko pa narinig na nag-ampon uli si Claudine Barretto at nakuha nito ang sanggol mula sa Roxas City pero ngayon lamang niya kinumpirma ang balita.

Noah Joaquin ang pangalan na ibinigay ni Claudine sa kanyang bagong adopted child.

Bale apat na ang anak ni Claudine, dalawang babae at dalawang lalaki, tatlo ang adopted at isa ang kanyang biological child, si Santino na anak nila ng estranged husband niya na si Raymart Santiago.

Sinabi ni Claudine na “I am blessed beyond words” dahil kumpleto na ang kanyang pagiging ina mula nang dumating si Noah Joaquin sa buhay niya kaya nagpapasalamat siya sa Panginoong Diyos.

Gloria Romero nakakabawi na ng lakas

Nakalabas na mula sa ospital ang latest update tungkol kay Gloria Romero.

Na-confine si Tita Glo sa isang ospital sa Que­zon City dahil sa severe vertigo.

Nagpapalakas na si Tita Glo sa bahay niya sa New Manila, Quezon City pero hindi pa yata siya tumatanggap ng mga dalaw.

Complete rest ang payo kay Tita Glo ng kanyang mga doktor kaya stop muna siya ng taping para sa weekly show niya sa GMA-7, ang Daig Kayo ng Lola Ko.

Ang former classmate ko na si Nova Villa ang pansamantala na pumalit kay Tita Glo sa Daig Kayo ng Lola Ko at positive ang mga feedback sa kanya.

Knowing Tita Glo, tiyak missed na missed na niya ang pag-arte na kanyang nakasanayan na gawin mula pa noong 1952 hanggang sa kasalukuyan.

‘Welcome to showbiz, Mama Malou’

Naloka ako dahil si Malou Tamayo Martinez ng Kikay Girls nina Bambbi Fuentes at Pinky Tobiano ang gaganap na doktora ni Tonton Gutierrez sa pelikula na ginagawa nito at ng kanyang misis na si Glydel Mercado.

Kaloka dahil isang rich Asian businesswoman si Malou na nanay ni Ice na dating newscaster ng TV5 at PTV 4.

Mas lalo akong naloka nang malaman ko na kumuha pa siya ng dalawang kuwarto para sa kanila ng kanyang yaya at personal make up artist niya na si Kylie.

May another room din siya na kinuha para sa kanyang driver dahil sa malayong lugar ng Anilao, Batangas ang overnight shooting nila.

Now I understand na kahit busy si Malou, labor of love ang kanyang pag-appear sa movie na talagang binibigyan niya ng oras.

Ito ang mga bagay na gusto niya na ma-discover for herself, ang buhay o trabaho ng mga tao na gusto niya kaya nagkaroon siya ng immersion.

Nakikita ni Malou sina Marian Rivera, Kim Domingo, pati tayo Salve sa salon ni Bambbi Fuentes.

Curious si Malou sa ating mga ginagawa at sa mundo natin kaya nasa Anilao siya at gumagawa ng pelikula, kasama sina Tonton at Glydel.

Talbog si Glydel ni Malou na may dalawang yaya na kasama sa set with matching make up artist. Sabi ko nga, dapat alagaan si Malou dahil siya ang pinakamayaman na extra sa pelikula. Welcome to showbiz, Mama Malou. Sana, huwag kang mahilo. Love you.

CLAUDINE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with