^
Kuwarto nina AiAi at asawa napasok ng magnanakaw

Kuwarto nina AiAi at asawa napasok ng magnanakaw

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - September 8, 2019 - 12:00am

Nakakatakot ang karanasan ni AiAi delas Alas.

Napasok ang bahay nila na isang gated subdivision.

Ayon sa post ni AiAi sa kanyang social media account, hindi naman kalakihan ang nakuhang pera ang mas nakapagpa-stress sa kanila ay ang pangyayaring napasok sila sa kuwarto at nakuha ang bag niya.

“Maraming salamat sa station 6 qc police and 10 SOCO sa tulong nila sa amin ngayun araw na ito .. kagabi na nakawan kami maliit lang pero ang stressful nakapasok sya sa kwarto namin at nakuha nya bag ko .. tanghali na nung nalaman ko nawawala ang bag ko dahil mag babayad ako sa gumawa ng color and haircut ng nanay ko sa house .. and nakita ko nalang na nasa kalye ang bag ko sa tabi ng gulong kotse na tagong tago ..ipinagpapasalamat ko din na walang nasaktan samen ni gerald. Salamat kay LORD at prinoteksyunan nya kaming mag asawa.. magingat nalang tayo lahat kasi IBA NA TALAGA ANG BUHAY NGAYUN .. #bevigilant,” sabi niya sa post ng pasasalamat kahapon.

Marami naman agad nagpayo kay AiAi na magpalagay ng CCTV sa paligid ng bahay para ma-trace kung may ganun mang pangyayari.

Mabuti na lang at walang masamang nangyari sa kanila ng asawa niyang si Gerald Sibayan.

Mas maigi na rin siguro na hindi sila nagising dahil baka kung ano pa ang nangyari kung sakaling nanlaban sila.

AIAI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with