^

Pang Movies

Alden humble pa rin sa mga kababayan

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Alden humble pa rin sa mga kababayan

Hindi na mapigilan ang pag-asenso ng Golden City Bae na si Alden Richards. Lahat ng mga negosyong kanyang itinayo ay pumatok. Alam naman natin na puro pagkain ang kanyang business, with the help of his Lola at mga kapatid at ng kanyang ama na si Mr. Faulkerson. Taga-Golden City, Sta. Rosa, Laguna si Alden kaya Golden Boy ang tawag sa kanya.

Napakaunlad na ni Alden. May mga restaurant siya bukod pa sa rami ng kanyang endorsement.

Ang latest victory niya ay ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye under Star Cinema sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina. Kamakailan lang din ay tumanggap siya ng acting award sa Korea.

Kagugulatan mo talaga ang pagiging humble ni Alden. Wala siyang kayabang-yabang sa katawan at talagang hindi madamot.

Bago si Alden ay may mga nauna nang mga Golden Boys and Golden Girls, una na si Mark Herras, Nadine Samonte, Magno Twins and Daniela na apo ni Teroy de Guzman at ilang ramp models na hindi masyadong umangat ang mga name. Hindi katulad ni Alden na mula sa simula palang ay talaga namang super sikat. Congrats!

‘Konti na lang, magaling na ako!’

Kahit may sakit pa ako at nasa Child Haus, pinipilit kong maging matatag kaya nagsusulat ako. Salamat sa aking magayonon Editor na si Salve Asis, hindi niya inalis ang Tsuppatid. Tuwang-tuwa ang mga kaanak ko nang mabasa at malamang nakakapagsulat na muli ako, lalo na si Jeni, Rameng, Joey, Jepoy at Jenjen.

Tuloy ko raw ang pagsusulat sa column ko para mapanatiling malinaw ang isip ko at wag isipin ang karamdaman at sure sila na gagaling ako. Sa tulong na rin ng mga dasal ng mga taong nagmamahal sa inyong lingkod, feeling ko kon­ting panahon nalang ay magaling na magaling na ako.

Walang sawang thank you po…

Salamat Mother Ricky Reyes, you are my Angel, sobrang napakalaking tulong ang mapasama sa kalinga ng Child Haus.

Thanks din kay Ma’am Daydee na full support sa aking mga request, kay Mrs. Doremdez na taga-tulak ng wheelchair ko sa pag-akyat at pagbaba sa hospital ng PGH, kay Ma’am Rachel and Ma’am Marian na taga-ayos ng reseta ng mga gamot ko. At si Ms. Estrada na anytime need ko ng gatas at diaper ay give agad.

Sila ang mga mababait na staff ni Mother Ricky sa Child Haus na walang sawang umaalalay sa akin. Tagos sa puso at buto ang aking pasasalamat at syempre sa ating Panginoon.

Pagbati…

Happy birthday sa aking pinakamamahal na kapatid na si Norma Celi Coquia!

God bless! Ingat ka lagi!

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with