Marian umayaw maging leading lady ni Dingdong
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 7, 2019 - 12:00am

Ngayong Saturday, September 7, ang hudyat ng pagbabalik ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa GMA Network, na magsisimula sa month-long 2nd Anniversary celebration ng award-winning weekly drama anthology na Tadhana, na siya ang host. 

Ang mga seryeng ipinalalabas dito ay tungkol sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at tampok mamayang hapon ang 2-part episode na Serial Killer nina Rhian Ramos, Benjamin Alves, Juancho Trivino, Diva Montelaba, Analyn Barro, Lara Morena, na first time naganap sa Cyprus.

Kasunod na ba ng Tadhana ay tatanggapin na niyang maging leading lady ng asawang si Dingdong Dantes sa ginagawa nitong Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun? Pero tinanggihan na ito ni Marian.

“Mahirap kasi, ang layo ng location, sa Nueva Ecija, tapos walang uwian, kawawa naman si Ziggy (4-months-old son nila ni Dingdong), bibitbitin ko ba siya sa taping? Si Zia, nag-aaral na rin, hatid-sundo ko siya araw-araw sa school. 

“Hintayin na lamang natin baka may bagong project ang GMA para sa akin. Saka next month, babalik na rin ako sa Sunday PinaSaya. Promise rin namin ni Dong sa Tadhana team, na gagawa kami ng isang episode, hindi man pang-anniversary, after ng mga schedules niya.”

Mapapanood ang Tadhana mamaya, pagkatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko sa GMA 7.

Yasmien pinapapanood kay Pres. Digong ang BJ

Ang ganda ng aura ni Kapuso actress Yasmien Kurdi ngayong may naiiba siyang proyektong ginagawa sa GMA Network, ang drama-action series na Beautiful Justice. Ano ang sekreto niya?

“Siguro po inspirado ako dito sa bago kong project,” sagot ni Yasmien. “Naiiba po kasi ang role ko, first time akong mag-aaksyon, mala-Charlie’s Angels kami nina Gabbi Garcia at Bea Binene.

“Nakaka-pressure, nakakanerbyos din kasi lumabas ako sa comfort zone ko, na five years kong pinag-aktingan at pinagtrabahuhan, ang mga afternoon soaps ko. Kailangan ko rin namang mag-explore ng ibang roles at maka-experience ng bagong time slot (primetime telebabad).”

Inamin ni Yasmien na nahirapan din siya sa training niya dahil bago ang ginagawa niya.

“Parang bagong job description itong pinasukan ko, ibang-iba pero iyon ang nagpa-excite sa akin. 

“Sa eksena, kung kaya kong hindi magpa-double, kung kaya ko at safe naman, hindi ako idino-double. Ayaw ko namang ipilit ang sarili ko kung hindi ko naman kaya.”

Ang Beautiful Justice na dinidirek ni Mark Reyes ay tungkol sa droga, sa tingin ba niya magugustuhan ni President Rodrigo Duterte kung mapapanood nito ang serye? “I think magiging masaya si President Duterte, kung mapapanood niya ang serye namin.”

Sa Monday, September 9, huhusgahan na ang Beautiful Justice na magtatampok din kina Derrick Monasterio, Gil Cuerva, Bing Loyzaga, Valeen Montenegro, Victor Neri at marami pang iba, sa  world premiere nila sa primetime telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with