Naglalamyerda sa Japan Maine at Arjo wa nang paki sa career
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 7, 2019 - 12:00am

May lumabas na namang pictures si Maine Mendoza na kasama ang kanyang boyfriend na si Arjo Atayde habang nagbabakasyon sa Japan. Sinamantala raw ng dalawa ang ilang araw na wala silang ginagawa.

Dahil diyan, umugong na naman ang mga ba­sher. Hindi raw ba nahahalata ni Maine na bumaba ang kanyang popularidad matapos niyang aminin openly na boyfriend na niya si Arjo? Wala man lang daw bang nakapag-advice kay Maine isa man sa kanyang mga adviser na kung syota man niya si Arjo, hindi niya dapat sinira ang loveteam nila ni Alden Richards na siyang nagpasikat sa kanya?

May patutunguhan pa raw ba ang career ni Maine sa ngayon dahil diyan?

Bakit naman ninyo sisisihin si Maine? Hindi ba tama naman siya na iba ang love team at iba naman ang tunay na buhay? Magka-love team sila ni Alden at hindi naman siya niligawan nito. May nanligaw sa kanya na nagustuhan niya, sinagot niya. Magsisinungaling ba siya at sasabihing hindi?

Isa lang siguro ang kasalanan ni Maine, hindi siya plastic. Sinasabi niya ang totoo.

Ngayon, nakikita silang magkasama ni Arjo. Eh ano ba ang gusto ninyo, iyong magpatagu-tago sila kung magkasama silang dalawa? Bakit kaya may fans na hindi na lang matuwa at ang mga gusto nilang artista ay masaya ang buhay? Tandaan ninyo, hindi naman ninyo masasabing sisikat sila dahil lamang sa inyo. Halimbawa si Alden, kung hindi ba niya nakatambal si Kathryn Bernardo, makagagawa siya ng isang pelikulang sumira sa box office history? Palagay namin hindi mangyayari iyon.

Kagaya rin naman ni Maine, hindi ninyo masasabing hindi na iyan mas sisikat pa dahil lang sa nahiwalay sa love team nilang dalawa ni Alden.

Liza bagay din kay Daniel

Ngayon ang tanong naman, sino ba ang inaasahang maaaring itapat kay Kathryn Bernardo?

Definitely hindi na ang sinasabing banta noon sa kanyang si Nadine Lustre matapos na lumagapak ang ilang pelikula niya nang sunud-sunod. Pero hindi puwedeng walang katapat si Kathryn.

Ang sinasabi nilang siguro ang maitatapat kay Kathryn ngayon, ang masasabing may potentials na sumira ng box office record, at wala nang iba kundi si Liza Soberano. Maganda, mahusay umarte, at malakas ang following. Kung natuloy lang ang Darna ni Liza, iyon sana ang shortcut sa kanyang box-office success, pero hindi na nga niya magagawa dahil sa injury sa kanyang finger.

Pero si Liza kailangan din ng isang ma­tin­ding pelikula. Kung kami ang tatanungin, bakit hindi nila subukang si Liza ang itambal kay Daniel Padilla? Palagay namin puputok iyan.

Aging actress nag-iilusyong maging Maricel Soriano

Ano ba naman ang isang aging female star na ito? Ipinatawag niya diumano ang kanyang mga “kaibigan” sa media, at siya mismo ang nakiusap na isulat naman daw na siya ang bagong drama queen. Gusto niyang masabing siya ang bagong Maricel Soriano.

Eh sa level nga ni Zeny Zabala hindi pa siya puwede eh, new Maricel Soriano pa? Kung sabagay hindi naman bawal ang mangarap. Talaga namang lahat ng tao may pangarap sa buhay, ang sinasabi lang namin, maging realistic naman tayo kahit na sa ating pangangarap.

Huwag naman iyong masyadong “lutang”.

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with