Alden Richards
Asia’s Multimedia Star na title ni Alden, kinukwestyon!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 6, 2019 - 12:00am

Suwerte rin naman si Alden Richards. Binigyan siya ng kanyang network ng sari­ling title na Asia’s Multimedia Star. Aba matin­ding claim iyan, na siguro nga naisip na nila matapos na kumita ang pelikula ni Alden kasama si Kathryn Bernardo sa ilalim ng Star Cinema.

Pero sa kabila ng malaking kinita ng kanyang pelikula sa Star Cinema, masasabi pa rin naming matinding claim nga ang Asia’s Multimedia Star. Hindi iyan inambisyong kunin kahit na ng Korean superstar na si Lee Min Ho, na sikat hindi lamang sa buong Asya kung hindi sa buong mundo.

Hindi rin naman nasabing Asia’s star si Rain, na kung tutuusin sumikat nang husto bilang isang artista, endorser at singer pa. Si Rain ang kaisa-isang singer na Asyano na nakapuno sa Madison Square Garden sa New York nang siya ay magkaroon ng concert doon.

Hindi rin naangkin ni Takuya Kimura, isa sa pinakamalala­king male stars sa Japan na nakagawa na ng pelikula sa iba’t ibang bansa sa Asya at naging endorser ng pinakamalaking car manufacturing firm sa Japan. Ganoon din naman ng pinakasikat na denim brand, kaya nga hanggang dito sa Pilipinas, ang kanyang pictures ang naka-display sa shops nila sa malls.

Iyong ibinigay na title kay Alden, talagang matindi, at sinasabi nga ng ilang mga kritiko na mukhang wala pa sa panahon. Wala pa namang international movie si Alden. Wala pa rin naman siyang nagagawang endorsements na ginamit sa buong Asya. Wala pa rin siyang TV show sa ibang bansa. Kaya nga masyadong ambisyoso raw iyong pagkaka-angkin niya sa buong Asya.

Siguro kung tinawag siyang multimedia star of the Philippines baka puwede pa. Sumikat naman siya nang todo nang maitambal kay Maine Mendoza. Kumita naman ang pelikula niya nang todo nang maitambal siya kay Kathryn Bernardo.

At saka ‘yan pinagtatalunan pa ha. Kanino ba ang credit? Kay Alden o kay Kathryn? Siyempre ang sinasabi ng marami, kay Kathryn dahil nakadalawa na siya eh.

Gil hindi na nasundan ang pagbibida

Okay lang daw kay Gil Cuerva na supporting roles na lang muna ang gawin niya. Noong unang sabak kasi niya bida agad, at todo build up ang ibinigay sa kanya. Iyon nga lang, hindi rin naman naging impressive ang resulta ng kanyang ginawang serye. Pagkatapos noon, puro guestings na lang muna ang ginawa niya. Mukhang hindi pa siya handa na maging bida ulit.

Kaya tama ngang supporting roles na lang muna ang gawin niya.

Magkapatid na personalidad, iisa ang kliyente sa ‘sideline’

Suma-sideline na rin pala ang younger brother ng isang male star at ang nakakatawa pa, may mga tsismis na mukhang iisa lang ang client nilang magkapatid. Pero para raw sa mag-utol, okay lang iyon dahil pareho naman silang suportado ng client nila.

Ang lamang lang ng younger brother, wala pa siyang syota, samantalang ang kuya niya ay may ka-live in na.

Pag natuklasan kaya iyan ng ka-live in, ano ang mangyayari?

Matinik talaga ang magkapatid.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with