Same sex marriage, ibinasura ng korte!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 5, 2019 - 12:00am

Ewan kung ano ang magiging reaksiyon ng transgenders na nasa showbiz, na ang iba ay nagpakasal pa sa abroad.

Sinabi ng Korte na hindi naman nila pipigilin kung magkaroon man ng relasyon ang transgenders, pero mananatiling hindi legal ang kanilang kasal. Ibig sabihin, wala silang maaaring maging conjugal properties. Hindi rin sila dapat magpakilalang legal na mag-asawa. Lumalabas na sa mata ng batas, ang kanilang kasal ay parang “moro-moro” lang.

Ang ponente sa pagbabasura ng petisyon para gawing legal ang same sex marriage ay ginawa ni Associate Justice Marvic Leonen, na nagsabing maling iharap ang petisyon sa Korte Suprema, kung ‘di dapat sa Kongreso para magkaroon ng panibagong batas na kumikilala sa karapatang magpakasal ng mga bakla at tomboy. Kinastigo rin ng korte ang mga abugadong petitioner noon.

Eh ngayon naman, iyang mga bakla at tomboy, kabilang na ang ilang showbiz personalities ay nakikipaglaban pa para sa karapatan nilang magamit ang CR na gusto nila. Ni hindi sila pumapayag sa pangatlong CR, dahil iyon ay discrimination daw. Gusto ng mga bakla na payagan sila sa CR ng mga babae, samantalang ang mga tomboy gusto namang pumasok sa CR ng mga lalaki.

Sa showbusiness, mas palasak ang mga tomboy na nagpakasal at nagpapakilalang sila nga ay mag-asawa na, kasabay ng paggamit ng apelyido ng isa’t isa. Iyan ay hindi legal, ayon sa opinion ng Korte Suprema. Sa mata ng batas, nagpakasal man sila sa abroad, o nagpakasal sa isang sekta ng relihiyon na nasa Project 8 sa Quezon City, na nagkakasal ng mga bakla at tomboy, iyan ay nananatiling invalid pa rin.

 Carmina masusubukan sa MMFF!

Tuluyan nang sinibak ng Metro Manila Film Festival ang pelikula ni Kris Aquino dahil sa pagpapalit nila ng cast ng pelikula na lampas sa deadline na itinakda ng execom ng MMFF. Sinasabi nila na malaking lugi na iyon dahil sa kanilang naibayad na sa mga manggagawa, at dahil sa binili nilang equipment para makagawa ng pelikula pero walang ibang kunsiderasyong ginamit ang MMFF kung hindi mapanatili ang kanilang rules, na siya namang tama.

Ipinalit doon ang pelikula ni Carmina Villaroel na sinasabi nga ng ilang mga kritiko na isang tamang desisyon dahil mukhang mas may potential iyong kumita nang malaki sa takilya. Visible kasi si Carmina sa mga pelikula at telebisyon, samantalang wala nang shows si Kris Aquino maliban sa Instagram at Facebook na lang.

John Lloyd nasundan sa fish market

Mas pogi nga si John Lloyd Cruz ngayon na muling namataan habang namimili sa fish market sa Moalboal, Cebu. Ibig sabihin, nasa Cebu pa rin si John Lloyd, kung nasaan din ang kanyang anak at si Ellen Adarna. Sinasabing umalis din siya sa palengke, angkas ng isang motorsiklo.

Kahit na sa palengke, nasusundan pa rin si John Lloyd ng fans, na nangangahulugang malakas pa rin talaga ang kanyang following sa kasalukuyan.

Kailan nga kaya magbabalik si John Lloyd para muling harapin ang kanyang showbiz career? Marami ang naniniwala na marami pa rin siyang magagawang hits na pelikula kung magbabalik siya sa ngayon. Hinahabol pa rin siya ng fans eh.

MMFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with