Sharon Cuneta
Sharon nag-retire na!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 4, 2019 - 12:00am

Hindi lang tsismis dahil si Sharon Cuneta na mismo ang nagsabi na unti-unti, iiwan na niya ang kanyang career. Maaari raw siyang mag-concert pa rin paminsan-minsan o gumawa ng pelikula kung mayroon talagang magandang project, pero semi retired na siya para naman mas magkaroon siya ng panahon para sa kanyang pamilya.

Inamin din niya, pagod na siya matapos ang 41 years na walang tigil na pagtatrabaho. Last year pa raw niya inisip iyan at nasabi na rin niya ito sa kanyang mga career manager.

Ipinaabot na rin niya sa kanyang fans na mahal niya silang lahat, kaya lang nararamdaman niyang kailangan naman niyang magpahinga na sa showbusiness.

Iyan naman talaga ang idea noon pa ng mga original career planners ni Sharon. Naniniwala silang tataas ang kanyang popularidad at naging Megastar na naman na siya. Pero inisip din nila na pagdating niya ng edad na 40, kung kailan mataas na mataas pa ang kanyang popularidad ay titigil na siya para manatiling isang showbiz legend sa habang panahon. Natatandaan namin ang sinasabi nila noon, “hindi dapat payagan na bumaba ang popularidad ni Sharon. By that time malaki na ang kinita niya and she can have a comfortable life with her family. Iyon lang ang kailangang siguruhin and then she can live to be a legend.”

Pero noong mawala ang original planners, naiba ang tono. Ang nasa isip nila, bakit nga ba siya patitigilin kung maaari pa naman siyang kumita?

Aywan, kasi ang original na plano para kay Sharon ay hindi lamang kumita ng pera kung ‘di makalikha ng isang star na magiging showbiz legend. “That’s what she deserves, iyong kikilalanin siya long after her time”, ang sinasabi pa ng original planners.

Pero iyon nga, hindi nasunod.

Geo Ong iba sa typical rappers

Noon daw unang makita ng Viva boss na si Vic del Rosario ang rapper na si Geo Ong, ang sinabi agad ay “mag-artista ka na”. Si Geo ay clean cut, good looking na parang matinee idol ang ayos. Hindi kagaya ng ibang mga rapper na “alam na ninyo”. Iyan kasing rap, ghetto music iyan. Kaya maski na sa abroad, ang mga rapper ay halos hindi nag-aayos.

Pero ang gusto ni Geo, mai-express ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng musika, kaya siya nag-rap. Hindi rin niya inaasahan na mapapansin siya ng mga tao, pero nang umabot na sa milyon ang nanonood sa mga ginawa niyang MTV sa social media, iyon na ang simula.

Ngayon may bago siyang single, iyong Pekeng Kaibigan at naniniwala siyang matatapos niya ang kanyang 12 song album bago matapos ang 2019.

Film produ iniyakan ang mga nag-flop na pelikula

Uso yata ngayon talaga ang “crying ladies”. “Crying lady” rin ang drama ng isang film production executive na siyang sinisisi ngayon dahil sa pagbagsak sa takilya ng pelikula ng kanilang mga stars. Pero kung kami ang tatanungin, kasalanan iyon ng executive producer. Kumuha siya ng producer na hindi naman marunong talaga at puro bola lang, iyan nga ang aabutin niya.

Mukhang bilang na raw ang araw ng “crying lady” sa kumpanya.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with