Jillian consistent sa pakikisama
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 3, 2019 - 12:00am

Puring-puri pala ng mga kasama nila sa Afternoon Prime na Prima Donnas si Jillian Ward dahil sa marunong daw itong makisama sa lahat. Gumaganap ang 14-year old na si Jillian bilang si Donna Marie sa serye, siya ang tumatayong panganay sa triplets na sina Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo).

Isa sa puring-puri si Jillian ay si Aiko Melendez na gumaganap bilang ang kontrabidang si Kendra. Mas madalas kasing kasama ni Aiko si Jillian, nakikita raw niya kung gaano ito kabait at marespeto sa mga kasama sa cast, lalo na ang mas senior sa kanya. Binansagan din si Jillian as Tween Queen. Nagpasalamat naman si Jillian.

“Thankful po ako sa kanila,” sabi ni Jillian. “Masaya po ako sa bago kong journey ngayong teenager na ako. Ayaw ko rin pong ma-disappoint sila sa akin. Bata pa po kasi ako, mahilig na akong makipag-communicate sa kahit sinong kasama ko sa show, kahit po anong edad nila, at kahit na po sino sila, gusto ko pong mag-reach out sa kanila.  Kasi po marami akong natututunan sa kanila.”

Sa ngayon, sa kabila ng halos araw-araw na taping ng Prima Donnas na dinidirek ni Gina Alajar, patuloy siya sa pagkuha ng computer science.

Gabbi ayaw muna kay Ruru

Hindi ikinaila ni Gabbi Garcia na hindi maganda ang naging paghihiwalay nila ng una niyang naka-love team sa GMA Network na si Ruru Madrid. Pero nagpapasalamat naman siya na may mga nanatili pa ring GabRu fans na sumusuporta sa kanya. Willing pa rin ba siyang makasama sa isang project si Ruru bilang ka-love team?

“Siguro po mas maganda kung iba-iba na muna ang katambal ko sa mga project na gagawin ko,” sabi ni Gabbi. “Like po dito sa Beautiful Justice, si Derrick Monasterio naman ang katambal ko. At swak naman kami ni Derrick dahil sa roles na ginagampanan namin, pareho kaming PDEA agents kaya kahit sa pagti-training pa lamang naging comfortable na kami sa isa’t isa. Magaan siyang katrabaho.”

Ang Beautiful Justice ay may world premiere na sa Monday, September 9, after ng 24 Oras.

Walang naligwak!

Masayang nagtapos ang episode ng Starstruck last Sunday, Septembeer 1, dahil nanatili ang Final 6 na sina Kim de Leon, Allen Ansay, Abdul Raman, Shane Sava, Lexi Gonzales at Pamela Prinster. Ito’y matapos mapanood ang mahusay na presentation ng musical test kina Allen, na nag-number one, Abdul at Kim. Hindi nila binigo ang mga Council na sina Ms. Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo, na kitang-kita mo ang saya ng faces nila habang pinapanood ang presentation ng tatlo.

Announcement ni Starstruck host Dingdong Dantes na may big reveal daw sa gabing iyon. Dapat kasi ay magtatanggal sila muli ng isang finalist, pero ang pahayag ni Dingdong, walang matatanggal sa kanila dahil bibigyan pa sila ng another week na manatiling Final 6, hanggang sa mapili ang Ultimate Final 4 na maglalaban sa Final Judgment sa September 15.

JILLIAN WARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with