_pang-masa
^

Luis naglambing kina Edu at Vilma

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - September 3, 2019 - 12:00am

Pinakita ni Luis Manzano ang pagiging sweet niyang anak sa kanyang celebrity parents na sina Edu Manzano and Vilma Santos-Recto.

Niregaluhan kasi ni Luis ang kanyang magulang ng painting na pinagawa pa niya sa visual artist na si Mark Rocha Padernal.

Ang painting na binigay niya kay Ate Vi kuha noong bata pa lang siya at nakakandong siya rito. Sa kanyang ama naman na si Doods, magkaharap silang nag-uusap na parang isang eksena sa ginawa nilang TV commercial.

Ito ang caption ni Luis sa IG post niya:

“Just a simple way of telling my parents @rosavilmasantosrecto@realedumanzano i love them! Thank you @markrochapadernal for creating these pieces! ANG GALING thank you @marianrivera for introducing us love you momski and daddyo! Thank you how @senorita_jessy for the pic.”

Pinuri naman si Luis ng maraming netizens dahil sa pagiging loving son niya sa kanyang parents.

Manilyn at asawang si Aljon, solid pa rin ang relasyon

Nag-post ng throwback photo si Manilyn Reynes ng isang trip nila ng mister niyang si Aljon Jimenez sa San Francisco, California.

Kuha ang photo in 1991 noong mag-boyfriend at mag-girlfriend pa lang sina Mane at Aljon. Holding hands sila at makikita mo kung gaano sila ka-sweet noon hanggang ngayon.“This was taken in San Francisco on Aug. 31, 1991. 28 years na today Bago pa lang ang relationship namin dito. Until now, we hold hands kahit nasaan kami, hanggang sa pagtulog. And the feeling’s still the same. Take my hand...we’ll walk a while, we’ll talk a while....,” caption pa ni Mane na ikinatuwa ng kanyang fans at followers.

Twenty eight years later, magkasama pa rin sina Mane at Aljon with three kids. Si Aljon, bagama’t hindi na nag-aartista, ang tumatayong ma­nager na ni Mane.

Magandang example sila Mane at Aljon bilang celebrity couple na may tinatawag na “forever”. Kahit na hindi nagkaroon ng magarbong wedding (kinasal sila sa isang chapel sa Reno, Nevada in 1996) ay nanatili pa ring magkasama ang dalawa at wala tayong naririnig na anumang intriga sa pagsasama nila bilang mag-asawa.

BFF ni Arnold Schwarzenegger patay habang nagsu-swimming

Nalungkot ang aktor na si Arnold Schwarzenegger nang mabalitaan niyang sumakabilang-buhay na ang kanyang best friend at kasabayan sa pagi­ging bodybuilder na si Franco Columbu.

Pumanaw si Columbu sa edad na 78 dahil nalunod ito habang nagsu-swimming ito sa coast ng Sardinia, Italy. Ayon sa medical report, inatake raw ito sa puso habang lumalangoy.

“I love you Franco. I will always remember the joy you brought to my life, the advices you gave me, and the twinkle in your eye that never disappeared. You were my best friend,” tweet pa ni Schwarzenegger.

Kasabayan ni Schwarzenegger si Columbu sa pagsali sa mga bodybuilding competitions noong ‘70s and ‘80s. Nanalo itong bilang Mr. Universe 1970 and Mr. Olympia 1976 and 1981. Naging best man pa siya ni Schwarzenegger sa wedding nito kay Maria Shriver.

Tulad ni Schwarzenegger, pinasok din ni Columbu ang pag-aartista sa Hollywood. Lumabas siya sa bit parts in Stay Hungry (1976) and Pumping Iron (1977).

EDU MANZANO VILMA SANTOS-RECTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with