Sarah Geronimo
Daniel at Matteo pinagpipilian na maging leading man ni Sarah
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 2, 2019 - 12:00am

Nagtatalu-talo ang fans nina Sarah Geronimo at Daniel Padilla. Sa mga post kasi ni Sarah Geronimo ng bago niyang ginagawang movie under Jun Lana, ang Unforgettable, ay wala siyang sinabi kung sino ang leading man niya. 

Maraming humuhulang si Daniel daw ang bagong leading man ni Sarah. Pero may mga nagsasabi namang ang boyfriend ni Sarah na si Matteo Guidicelli ang leading man niya.

Pero ang alam namin walang leading man is Sarah pero may very special guest siyang makakasama sa movie na magso-showing na sa October 23.

Wagas episode nina Sunshine at Mike marami ang makaka-relate

Huhusgahan na ang muling nagbabalik na award-winning romance anthology na Wagas, ngayong umaga ng Lunes, September 2, 2019. 

Kung dati ay napapanood ito sa GMA News TV every Saturday, ngayon ay month-long na itong mapapanood araw-araw, sa GMA-7, at 11:30 am bago ang Eat Bulaga.

Bilang pilot episode ng Wagas, tampok ang Throwback Pag-ibig nina Sunshine Dizon, Mike Tan, child star Leanne Bautista, at sina Regine Angeles, Iyah Mina, Lovely Abella, sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Based sa trailer ng pang-umagang serye, may kurot sa puso ang mga eksena, pero mayroon ding magpapasaya sa inyong mga puso. Sabi nga nina Sunshine at Mike, tiyak na maraming makaka-relate sa Throwback Pag-ibig.

Sahaya babu na

More than five months nang sinusubaybayan ng televiewers gabi-gabi ang epic serye na Sahaya na nagtatampok kina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Mylene Dizon, na gumaganap na mga Badyaw, with Migo Adecer, Ana Roces, Lindsay Ortega, Snooky Serna at Eric Quizon.

Simula na mamayang gabi ang finale week at kaabang-abang ang mga eksena hanggang sa pagtatapos nito sa Friday, September 6. Last Friday evening ay nawawala si Sahaya at ang alam lamang nila ay kinidnap ito ni Salida (Snooky) pero hindi alam kung saan siya dinala.

Saan kaya dinala si Sahaya? Sino kina Ahmad (Miguel) at Jordan (Migo) ang karapat-dapat sa puso ni Sahaya? Gusto ng mga netizens ang mabigat na parusa kina Salida at Irene (Ana) dahil sa mga kasalanan nila kina Sahaya at Manisan (Mylene). 

Napapanood ang Sahaya pagkatapos ng 24 Oras.

The Clash 2 inaabangan na

Nasa Final 4 na ang original artista reality search ng GMA Network at ang grand finale nila ay magaganap na sa Sunday, September 15. Kaya naman nag-announce na ang GMA-7 ng isusunod ditong programa, ang pagbabalik ng singing contest ang The Clash 2. Sa ngayon ay may 64 contenders ang ipakikilala ng musical show na mapapanood pa rin every Saturdays and Sundays.

Magiging main competition hosts sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, sina Rita Daniela at Ken Chan ang mga Journey Hosts na madalas makakasama ng mga contenders na nagmula sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas.

Retained din ang mga judges ng unang The Clash, sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ms. AiAi delas Alas. Magsisimulang mapanood ang The Clash 2 sa September 21.

SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with