^

Pang Movies

Chito at Gloc 9 hindi nagkamali kay Shanti

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Chito at Gloc 9 hindi nagkamali kay Shanti
Shanti Dope

Curious ang lahat sa bagong bagsakan na ginawa ni Chito Miranda kasama sina Gloc 9, DJ Klumcee at Shanti Dope sa kantang Pati Pato na sinasabing isa sa best collaborations ng rappers na kabilang sa hall of fame.

Kahit na hindi rapper, hindi nagpahuli si Chito sa pagra-rap. Nakipagsabayan talaga siya sa tatlong kasama.

Ayon sa mga nakapakinig na sa nasabing kanta, malaman daw ang lyrics nito na may topic tungkol sa mental health. Makakatulong daw ito sa mga taong may pinagdadaanan.

Samantala, sikat na sikat noon ang kantang Bagsakan nina Chito, Gloc 9 at Master Rapper na si Francis Magalona. Hindi ito naluluma o nalalaos dahil hanggang ngayon ay paborito pa rin itong kantahin at patugtugin sa mga inuman, gig, kasalan, binyag at iba pang mga okasyon.

Ngayon, paglipas ng ilang taon at pumanaw na rin si Francis M., may mga bagong rapper na ring umusbong, at isa na nga rito si Shanti Dope na napiling isama nina Chito at Gloc 9 para bumuo ng panibagong powerful na kanta. Hindi naman nagkamali ang dalawa sa pagpili sa kanya, dahil sa edad na 18 ay marami na itong napatunayan sa mundo ng pagra-rap. Ganunpaman, masyado pang maaga para huminto, kaya tuloy lang si Shanti sa paggawa ng sariling mga masterpiece.

vuukle comment

SHANTI DOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with