Mga pinapasyalang mall, pantanggal stress
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 2, 2019 - 12:00am

I love the crowd na nakikita ko sa malls. Parang wala silang mga problema, lakaran nang lakaran, ang sasaya nila at puno ng mga pamilya ang mga restaurant.

Ang mga Pilipino, konting bagay lang, maligaya na sila sa pamamasyal sa malls at sama-sama na pagkain sa labas, isang bagay of showing how being with family is an ultimate source of happiness.

Kung gusto nila na mag-destress pumupunta sila sa malls dahil nakakaalis ng depression ang energy ng mga mallgoer.

Happy sila kaya ang tendency ng lahat, maging happy din. Kahit hindi bumili ng kahit ano, sabi nga pasyal lang sa mga mall, happy na.

Dennis maingat na sa pagsasalita pagdating kay Julia

Ngayong gabi ang premiere ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo sa Cinema 1 ng SM Megamall.

Starring sa comedy movie ng Viva Films sina Dennis Padilla, Janno Gibbs at Andrew E.

I’m sure, si Dennis uli ang pagkakaguluhan at iinter­byuhin ng mga reporter na pupunta sa premiere ng pelikula nila nina Janno at Andrew E. dahil sa hindi matapus-tapos na isyu tungkol sa kanyang anak na si Julia Barretto.

In fairness kay Dennis, maingat siya sa pagsagot dahil ayaw niya na lumaki pa ang isyu. Hindi niya nakakalimutan ang request sa kanya ni Julia na huwag nang magpainterbyu na hindi naman maiiwasan dahil visible siya sa mga promo ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo.

Pero kung hindi lang siguro dahil kay Julia, tiyak na marami tayong maririnig mula kay Dennis na kilala sa pagi­ging prangka at walang kinatatakutan, basta sa totoo lang ang mga sasabihin niya.

Milyones na utang ng isang aktres, binayaran ng rich actor

How true na ang isang rich actor ang nagbayad ng utang ng aktres sa dating talent manager nito para makawala siya sa exclusive contract na pinirmahan?

Ang tsismis, more than P2 million ang utang ng aktres sa manager niya at ang aktor ang nagbayad para makagawa siya ng pelikula sa ibang movie company.

Ang duda ng fans, ang ibinayad ng aktor ang magiging talent fee ng aktres sa pelikula na gagawin nila kaya madali sa kanya ang maglabas ng datung.

Matagal nang walang mga project ang aktres. Kailangan na niya na magtrabaho para ma-maintain ang nakasanayan na lifestyle at alang-alang sa kanyang pamilya.

Mahusay sumagot

Ang saya-saya siguro ng presscon at renewal ng contract ni Ryle Santiago sa MegaSoft.

Si Aileen Go ang nag-o-order ng mga food sa Oriental Palace at talagang top of the line ang pinipili niya kaya enjoy na enjoy ang lahat ng mga pumupunta sa presscon ng MegaSoft.

Mahusay si Ryle sa pagsagot sa mga tanong sa kanya kaya tiyak na exciting ang question and answer portion sa renewal ng contract niya bilang celebrity ambassador ng Cherub.

Bagay na bagay din kay Ryle ang mga scent ng Cherub cologne dahil unisex ito at very mild. Pang-baby kasi ang mga product ng Cherub na ini-endorse niya.

Sabi mo, Salve, marami ang naghanap sa akin, paano nga ay Aileen angels tayo nina Rose, Budingding at Jerry pero next presscon talaga, go na ako. Guguluhin ko si Gorgy para sunduin ako. Miss you Ms. Aileen.

DENNIS PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with