^

Pang Movies

Janella nagpagamit kay Maja

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Maraming ginulat si Janella Salvador sa serye niyang The Killer Bride. Paano ba naman, sa unang linggo ng serye ay animo’y isang dalagang inosente at nakakapanaginip ng multo ni Maja Salvador ang kanyang karakter. May times pa na sinasapian siya ni Maja.

‘Yun naman pala ay umaarte lamang ito. Naloka rin sila nang malamang hindi naman pala multo si Maja sa said series dahil hindi naman pala ito namatay talaga.

Suwerte rin si Janella, parang challenging ang role niya.

Thank you Lord…

Thank you Lord Jesus, unti-unting nakaka-recover na ako sa aking sakit. Lumalakas na ako at nakakalakad, pero may alalay dahil mahina pa ang mga paa ko. Hirap pa na makalakad mag-isa, pero may awa ang Diyos, gagaling ako.

Mayroon pa akong pagdadaanang 3rd session ng Endoscopy procedure. Pero salamat sa Panginoon dahil naging successful naman ang first session and second session ng endoscopy sa akin.

Month of June nang ako’y ma-diagnose sa sakit na Liver Cirrhosis. Nagkaroon po ako ng mga kumplikasyon dahil dati na akong mayroong karamdamang diabetes, alta-presyon at mataas ang aking uric acid. Nagtubig ang aking atay dahilan ng pagmamanas ng aking paa hanggang hita at lumaki ang aking tyan.

Pero God is good hindi niya ako pinabayaan, nandyan lang siya sa paligid para sa mga taong humihingi ng tulong para sa kagalingan ko. Salamat sa mga nagdasal at nagpadala ng financial assistance. Salamat kay Madam Salve ang aming magayonong lady editor ng Pang Masa (PM) at Pilipino Star NGAYON at ganundin sa associates niyang sina Debbie Castillo at Mae Mercado. Pauli-ulit na pasasalamat kay Ricky F. Lo and someone na very close friend niyang businessman na ayaw magpabanggit ng pangalan. Bahala na si Lord magbalik sa inyong kabutihang loob whoever you are.

To Cristy Fermin, taos-pusong pasasalamat sa iyo, Wendell Alvares na sikat na sikat na at very busy. Hindi na siya maabot kailangan daw puntahan siya kung sino ang may kailangan. Oo Wendel sikat ka na, salamat sa iyo. Pagpalain ka ni Lord Jesus.

Pasasalamat pa rin kay Madam Princess Revilla sa tulong na pinadala thru Wendell Alvares. Napakalaking bagay po nito para sa tuluy-tuloy na gamutan.

God bless po kay Bulacan Governor Dan Fernando, Mother Ricky Reyes, Madam Daydee, sa magpinsang Ruth Garcia at Beth Bautista, Madam Daria Ramirez, Linda Rapadas, PMPC na nag-start na ng screening ng Star Award for Music. Good luck guys, I love you all. Sa lahat ng mga pasyente na nasa ChildHaus, lady doctor sa room 215 Doctora Babaran at CENDU Asst. Madam Mavic salamat po sa inyong napakagandang serbisyo. (Tutulong po kaming magdasal para po sa mabilis ninyong paggaling. - Salve)

Happy birthday...

Happy 5th Birthday kay Tyron Danao ng 5th floor na ka-roommate namin sa ChildHaus. Paga­ling ka Little Tyron.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with