Alden walang kapaguran
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 1, 2019 - 12:00am

Wala yatang kapaguran si Alden Richards pagdating sa trabaho. Kababalik nga lamang niya two days ago mula sa Seoul, South Korea dahil tumanggap siya ng Asian Star Prize mula sa Seoul International Drama Awards pero kinabukasan, Friday, nag-report na siya sa taping ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang The Gift.

Pansamantala silang huminto ng taping dahil nag-plug shoot naman sila para sa mga bagong sisimulang teleserye sa GMA ngayong September.  Kasama niya ang cast ng Beautiful Justice na pinangungunahan nina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia, Bea Binene, Derrick Monasterio at Gil Cuerva, na mauunang ipalabas sa Monday, September 9.

Kasama naman ni Alden sa The Gift sina Jean Garcia, Elizabeth Oropesa, Jo Berry, Mikee Quintos, Christian Vasquez, Thia Thomalla, Ysabel Ortega. 

Ipalalabas naman sila sa September 16. Last Friday din, lumabas na ang teaser ng The Gift. Ang third teleserye na ipalalabas ay ang One of the Baes na produced ng GMA Public Affairs at tampok sina Ken Chan, Rita Daniela, Tonton Gutierrez, Amy Austria, Joyce Ching, Melanie Marquez at marami pang iba.

Si Alden, dahil gaganap nga siyang isang bulag sa The Gift, nag-undergo na rin ng blind immersion. First time niyang gaganap ng ganoong role kaya gusto niyang matutunan ang character ng isang visually-impaired person.

Mike relate na sa pagiging tatay

Wala nang problema ngayon si Mike Tan gumanap na isang tatay sa mga serye na ginagawa niya, tulad ng Throwback Pag-ibig ng nagbabalik na romantic anthology na Wagas.

“May anak po kami ni Sunshine (Dizon) sa story, si Leanne Bautista, kaya hindi na ako nahirapang gumanap sa role dahil may anak na rin ako ngayon,” sabi ni Mike.“Baby girl din ang anak namin ng wife ko at she’s now nine months old.  Dati, kapag gumaganap akong tatay, nagtatanong pa ako kung ano ang dapat kong gawin sa isang situation, pero dito, madali ko nang nagagam­panan, nandoon na kasi ang feeling ng isang tatay, lalo na doon sa mga eksenang nawala nga ang anak namin at hindi namin alam kung buhay pa siya o wala na. Tiyak po maraming makaka-relate sa story namin na mapapanood sa loob ng isang buwan, Mondays to Fridays,” mahabang pahayag ni Mike tungkol sa pagganap ng pagi­ging tatay.

“Thankful pa po ako dahil ang husay-husay ni Leanne, hindi mo na siya tuturuan, pero si Shine, minsan bi­nibigyan niya ng tips si Leanne sa eksenang gagawin nila.”

Bukas na, Monday, ang pilot episode ng Throwback Pag-ibig na tampok din sina Regine Angeles, Lovely Abella, Iyah Mina sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. at 11:30 a.m.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with