^

Pang Movies

Kuya Kim ipinahiram kay Dingdong ang kanyang ‘classic beauty’

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kuya Kim ipinahiram kay Dingdong ang kanyang �classic beauty�

Grateful si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kay Kim Atienza dahil sa pagpapahiram nito ng Royal Enfield Bullet 500 motorbike.

Ginamit ni Dong ang naturang motorbike sa pagganap niya bilang Big Boss sa Philippine remake ng hit Korea­novela na Descendants of the Sun.

Nag-post si Dong sa social media ng kanyang pasasalamat kay Kuya Kim at inaalagaan niya nang husto ang motorbike nito na kung tawagin niya ay isang “classic beauty.” “Kuya Kim, safe na safe ang iyong Royal Enfield 500 sa pangangalaga ng Special Forces Captain na si Lucas Manalo. Thank you for lending this classic beauty na bagay na bagay sa show naming Descendants of the Sun,” caption pa ni Dong sa isang photo kung saan sakay siya sa naturang motorbike.

Ang Royal Enfield Bullet 500 ang tinatawag na pinaka-iconic motorbike today na unang ginamit bilang isang military vehicle. Nagkakahalaga ito between P313,000 to P330,000.

Bea pinagsasabay ang pag-aaral at showbiz

Bukod sa kanyang pinagkakaabalahan na primetime teleserye na Beautiful Justice, naka-enroll din si Bea Binene sa Center for Asian Culinary Studies in San Juan City. Gusto raw ni Bea na lumawak pa ang kaalaman niya pagdating sa pagluluto ng iba’t ibang putahe at pag-bake ng pastries.

“Marami pa akong gustong matutunan tungkol sa pagluluto at baking kaya nag-take up ako ng Professional Culinary and Pastry Arts.

“Bukod po kasi sa cooking and baking, napag-aaralan pa namin ang tamang sanitation, nutrition, restaurant operations, commercial cooking and baking,” sey ni Bea.

Bata pa lang si Bea ay marunong na itong magnegosyo. Kailan lang ay nagbukas siya ng sarili niyang coffee business na M&B Mix & Brew Coffee na matatagpuan sa SM Megamall.“Start small po muna tayo. Yung coffee business ko, parang kiosk lang siya. Mas praktikal po for a start-up business. Kung mag-store ka agad, mas malaki ang gastos mo considering you are up against sa ibang mga mas popular na coffee shops,” ngiti pa ni Bea.

Hollywood icon na si Valerie Harper pumanaw sa brain cancer

Pinagluluksa ngayon ng Hollywood ang pagpanaw ng TV and film icon na si Valerie Harper sa edad na 80.

Ang long battle ni Harper sa sakit na brain cancer ang naging dahilan ng kanyang pamamaalam noong nakaraang August 29. 

Taong 2013 nang ma-diagnose si Harper with leptomeningeal carcinomatosis at binigyan siya ng tatlong buwan na mabuhay. Pero tumagal siya ng anim na taon.    

Born in Suffern, New York, nagsimula sa showbiz si Valerie bilang isang dancer at nagpe-perform ito sa Radio City Music Hall in the 1950s. Sumali rin siya sa comedy troupe na Second City. Naging advocate naman siya for the Equal Rights Amendment and championing a charity known as L.I.F.E., which stood for Love Is Feeding Everyone.

Nakilala si Harper dahil sa role niya as Rhoda Morgenstern, ang wisecracking best friend ni Mary Richards sa The Mary Tyler Moore Show noong 1971. Binigyan ng spin-off show si Harper na Rhoda. Nanalo ng apat na Emmy Awards si Harper for both shows.

Ang iba pang naging shows ni Harper ay Valerie, The Hogan Family at Mary and Rhoda. Sa movies, lumabas si Harper sa Freebie and the Bean, Chapter Two, The Last Married Couple In America, Blame It On Rio at Golda’s Balcony.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with