Sunshine ayaw idetalye ang gulo nila ng asawa
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 31, 2019 - 12:00am

Inamin ni Sunshine Dizon na naka-relate siya sa story ng bago niyang serye sa GMA Network, ang first month-long episode ng award-winning romance anthology na Wagas na magiging daily morning series na, ang Throwback Pag-ibig. Ibig sabihin, ang mga bidang sina Sunshine at Mike Tan ay may dati nang relasyon sa kuwento.

Sina Ryan (Mike) at July (Sunshine) ay dating mag-asawa, at may anak silang babae, si Smile na gina­gampanan ni child actress Leanne Bautista. Nagkaroon ng isang tragedy sa pamilya at nagkahiwa-hiwalay sila. Nagkaroon na sila ng kani-kanilang successful life, pero naroon ang longing nilang makita ang anak nila, kung buhay pa ba siya o wala na? 

Nag-reunite ang family, nang malamang buhay pa si Smile, pero may malubha na itong sakit.

Open naman na three years nang hiwalay sina Sunshine at ang husband niyang si Timothy Tan, hindi pa sila nagkakabalikan pero civil sila sa isa’t isa dahil sa dalawa nilang anak, sina Doreen at Anton.

“Yes, naka-relate po ako sa story, dahil nasasalamin dito ang hirap na tiniis ng mag-asawa hanggang sa makita nilang buhay ang anak nila,” sagot ni Sunshine. “Sa ngayon, mahirap sumagot sa tanong ninyo, pero I always look at the bright side of life, pero dapat maging totoo muna ang forgiveness. Mahirap po kasi kung mayroon pa ring bitterness, kailangan munang mawala iyon. Ako po naman, kaya kong i-separate ang totoo kong buhay sa work ko bilang isang actor. Tulad po nang nasabi ko na, civil po kami sa isa’t isa at maayos din ang mga bata, ginagawa namin ang tungkulin namin bilang mga magulang nila.”

Nagpasalamat din si Sunshine sa GMA-7 dahil hindi ito ang first time na gumawa siya ng Wagas episode. “Happy po ako kasi malapit sa puso ko ang mga taga-GMA Public Affairs. I always enjoy working with them.”

Ang Throwback Pag-ibig ay mapapanood na simula sa Lunes, September 2, at 11:30 am, bago ang Eat Bulaga.

Lovely may bago agad serye

Masayang-masaya si Lovely Abella na nagkuwento sa mediacon ng Throwback Pag-ibig na kasama siya nina Sunshine Dizon, Mike Tan at Leanne Bautista sa romance anthology na Wagas na gumaganap siyang nakabili sa batang si Leanne, na pinalaki nila ng foreigner husband niya pero isinoli nila.

Ibinalita ni Lovely na tinawagan siya ng Star Cinema na may victory party sila sa Tuesday, September 3 para sa big success ng movie nilang Hello, Love, Goodbye. 

Hindi raw siya nag-i-expect sa bonus, pero kung meron, labis ang pagpapasalamat niya.

Pero ang isa pang ipinagpapasalamat ni Lovely, after ng Wagas may bago rin siyang teleseryeng gagawin sa GMA-7, na muli niyang makakasama si Sunshine, at siya ang kontrabida nito. Bago nga natapos ang interview kay Lovely, dumating ang script ng teleserye na niyakap niya sa tuwa.

SUNSHINE DIZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with