Dennis nanawagan kay Gerald na mag-text back!
Dennis Padilla
Dennis nanawagan kay Gerald na mag-text back!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 30, 2019 - 12:00am

Dennis Padilla revealed na hindi raw sinasagot ni Gerald Anderson ang kanyang mga text messages lately.

“Parang naka-apat na text na ko du’n, hindi siya sumasagot,” tila pagsusumbong ni Dennis kay Boy Abunda sa kanyang panayam sa Tonight with Boy Abunda aired last Wednesday night.

“Eh dapat, sagutin mo naman ‘yung text ko,” mensahe pa niya kay Gerald.

Matatandaang nagkausap na sina Dennis at Gerald the moment na pumutok ang controversy sa aktor at sa anak niyang si Julia at ang nasambit niya nga raw kay Gerald noon ay “anak ko ‘yan.”

Inamin din ni Dennis na nagagalit daw siya talaga kapag naba-bash sa social media ang anak kaya pinayuhan niya raw ito na magbakasyon muna sa socmed.

“May mga pagkakataon na ‘yung mga nagba-bash kay Julia, gusto kong isa-isang puntahan sa bahay at gulpihin,” seryoso niyang wika.

“Tatay ako, eh. Eh minsan, may mga taong parang hindi ako nauunawaan, parang ang basa nila, ‘o, sumasakay ka pa do’n sa gulo ng anak mo.’ Hindi, hindi ako sumasakay. Anak ko ‘yun, eh. Hindi ko kailangang sumakay,” he said.

Gabbi mahal na mahal si Khalil

Sa mediacon ng Beautiful Justice ay hindi maiwasang maitanong sa isa sa bidang si Gabbi Garcia ang pinagdadaanan ngayong controversy ng kaibigan niyang si Julia Barretto.

Ayon kay Gabbi ay hindi pa raw sila nagkausap ni Julia simula nang pumutok ang kontrobersiya pero mananatili raw siyang nandito para sa kaibigan.“I’m here as a friend. If she needs someone to cry on... I’ve been texting her, checking on her and basta, anytime she needs someone to listen to her, talk to her, I’m here.

“Pero as of now kasi, we have to give her some space, eh. I also don’t know kung ano ang situation niya ngayon. I really don’t know the exact thing that hapenned. Basta, I’m here as a friend,” pahayag ni Gabbi.

Ayaw naman daw niyang magtanong ng mga personal na bagay at nababasa lang daw niya ang mga issue.

Pero natanong din siyempre kung team Julia ba siya or team Bea Alonzo or team Gerald Anderson at sagot niya, team Khalil Ramos na lang na boyfriend niya.

“Dyowa ko na lang po, mahal na mahal ko dyowa ko, wala akong stress!” sambit ni Gabbi.

Sa Beautiful Justice ay gina­gampanan ni Gabbi ang karakter ni Brie na namatayan ng boyfriend portrayed by Derrick Monasterio na isang PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) agent.

Magsisimula na sa Sept. 9 ang serye sa GMA Telebabad at kasama rin dito sina Yasmien Kurdi, Bea Binene, Gil Cuerva, Bing Loyzaga, Victor Neri at Valeen Montenegro mula sa direksyon ni Mark Reyes.

DENNIS PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with