Casts ng BJ walang effort sa training
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 29, 2019 - 12:00am

Natuwa ang bumubuo ng cast ng bagong drama-action series na Beautiful Justice ng GMA Network, sina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia, Bea Binene, Gil Cuerva at Derrick Monasterio dahil hindi lamang sila magda-drama dito, talagang gaganap sila sa mga action scene, kaya kailangan nilang mag-undergo ng training, na patuloy pa rin nilang ginagawa kahit ready na sila for airing sa September 9, after ng 24 Oras.

“First time ko talagang mag-training na humawak ng baril,” sabi ni Yasmien. “Yes, nakakapag-action ako nang konti sa ibang series na nagawa ko, pero iba dito sa Beautiful Justice. Exciting pero nakakatakot din kung minsan.”

“Before we start the taping, nagkaroon na ako ng three-month training ng Krav Maga at gun training sessions, at I feel blessed nang isama ako ng GMA-7 dito,” sabi ni Gabbi. “Masaya ako dahil natuto rin ako rito ng self-defense.”

“Bata pa po ako ay nagti-training na ako ng Mhuay Thai at iba pang self-defense classes,” kuwento naman ni Bea. “Kasi nakasama na ako noon sa Captain Barbell. “Kaya dito dinagdagan ko na lamang ang mga trainings na alam ko na like ang tamang paghawak ng baril at pagpapaputok nito.”

“Noon pa po naman ay lagi na akong nagti-training sa gym pero this time, rigid ang naging training sessions dito, lalo na ang gun training sessions,” sabi ni Derrick. 

“Nagkaroon na rin ako ng training noon nang gawin ko ang My Love From The Stars dito sa GMA-7, pero mas matindi ang training na ginawa ko ngayon dito,” sabi Gil. 

Silang lima ay magiging PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) agents sa story.  Mawawala si Derrick as Lance at ang tatlong babae, kasama si Vin (Gil) ang magsasama-sama para i-track down ang sindikato at hanapin ang katarungan sa pagkamatay ng mga mahal nila sa buhay.

Kasama pa rin sa cast sina Bing Loyzaga, Valeen Montenegro at ilang special guests, sa direksyon ni Mark Reyes at mapapanood sa primetime telebabad.

BEAUTIFUL JUSTICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with