^

Pang Movies

Kaya pala ayaw sa kanya, Bea iniisnab-isnab daw ang nanay ni Gerald ‘pag nasa bahay ng ex!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kaya pala ayaw sa kanya, Bea iniisnab-isnab daw ang nanay ni Gerald �pag nasa bahay ng ex!
Bea Alonzo

Mutual naman daw pala ang feelings for each other nina Bea Alonzo at mommy Vangie ni Gerald Anderson.

Ayon sa source ng No. 1 digital talkshow na Take It… Per Minute (Me Ganun) nina Manay Lolit Solis and Manay Cristy Fermin with Mr. Fu sa Face­book page ng Pilipino Star NGAYON, sa tuwing dumadalaw daw kasi ang actress sa bahay ng actor, hindi naman kasi diumano ito binabati ng actress. Lagi raw diretso sa kuwarto ng ex BF na actor si Bea.

Kaya ayon sa source, alam nila ang pinanggagalingan ng pag-ayaw ng mommy ni Gerald kay Bea na nanatiling tahimik at parang hindi apektado sa mga sinasabi nito tungkol sa kanya.

Dalawang actor hitsurang nagko-coc sa isang party!

Hitsurang nagko-coc daw ang dalawang actor nang makita sila ng isang source sa isang party recently.

As in super enjoy daw ang dalawang actor sa kanilang ginagawa sa harap ng iba nilang friends.

As if wala naman daw itong mga pakialam at tila ini-enjoy lang.

Well, baka naman hindi coc ‘yun.

Beauty at Seth, maninindak bilang mag-ina 

 Mula sa pang-aaliw sa mga manonood at netizens sa Kadenang Ginto, katatakutan at kilabot naman ang ipapa­dama nina Beauty Gonzalez at Seth Fedelin na gaganap na mag-inang susubukin ang pagmamahal sa isa’t isa iWant original movie na Abandoned.

Mapapanood na ngayong Miyerkules (Agosto 28) sa iWant app at iwant.ph ang psycho-horror movie kung saan gagampanan ni Beauty ang papel ni Simone, isang single mother at bodyguard. Mababagabag siya ng kunsensya matapos mapaslang ang lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho dahil sa isang insidente ng nakawan, dahil mas pinili niyang takasan ang tungkulin para mabuhay para sa anak na si RJ (Seth).

Bilang parusa, maa-sign siyang bantayan ang isang abandonadong building na dating ospital na nilamon ng sunog at pinaniniwalaang minumulto ng mga nurse at batang pasyente. Habang naka-duty, guguluhin siya ng mga kaluluwang nakatira rito. Hindi kalaunan ay madidiskubre ni Simone ang tsismis tungkol sa naturang building – na sinadyang sunugin nang buhay ang mga bata upang ialay sa demonyo bilang kapalit ng kayamanan.

Maaapektuhan naman ng mga misteryosong sikreto ng ospital ang buhay ni Simone dahil sa kabila ng mga ito, kailangan niyang harapin ang mga karanasan at takot niya sa buhay na muling mapupukaw ng mga multo at unti-unting sisira sa relasyon nilang mag-ina.

Sa huli, mapipilitan ang ulirang ina na isakripisyo ang buhay ng kanyang anak. Magagawa kayang labanan ni Simone ang sarili niyang pangamba at takot alang-alang kay RJ?

Abangan ang  Abandoned simula ngayong Miyerkules, Agosto 28 sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with