Alden one year in the making ang collaboration sa isang fashion designer
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 27, 2019 - 12:00am

Maagang nag-report sa taping si Alden Richards kahapon, August 26, sa set ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang The Gift, na naka-schedule na ring ipalabas next month sa primetime block. 

Mukhang inspired magtrabaho si Alden sa kabila ng sunud-sunod na event na pinuntahan niya. Last Friday and Saturday, nasa Davao City siya para sa Kadayawan Festival, kasama ang cast na sina Martin del Rosario, Thia Thomalla, Mikee Quintos at Ysabel Ortega.

Pagbalik ng Manila, Saturday afternoon, ginawa ang launch ng collaboration niya sa fashion designer na si Avel Bacudio, ang Avel x Alden collection.

One year in the making daw ito bago nila nai-launch sa tulong ng Zilingo.ph. At Sunday, August 25, ginawa na ang pagbebenta nila ng mga items sa Eastwood Mall, na sinuportahan ng mga fans na gabi pa ay pumila na. Kaya naman ang reward sa kanila, sinamahan sila ni Alden sa pagpili ng items na bibilhin nila at may photo-off pa sa kanila.

Bago naggabi, nag-post na sina Alden ng “We are sold out! Amazing!” Tumanggap na rin sila ng orders na isi-ship na lamang ng Zilingo.ph, na COD (cash on delivery).

After ng Eastwood, tumuloy nag-perform pa si Alden sa SouthStar Drug Pharmacists National Summit 2019 ng Unilab na isa sa endorsers nila si Alden.

Ngayong umaga, August 27, ang flight ni Alden papuntang South Korea para tanggapin ang isang award mula sa Korean International Drama Awards. May chance na siguro si Alden na makapasyal doon ngayon. Nang una kasi siyang makarating ng South Korea, en route siya noon para sa show niya sa Canada kaya hanggang airport lamang siya habang naghihintay ng flight to Canada.

Safe trip Pambansang Bae!

Miguel balik-Sunday PinaSaya

Nagulat at natuwa ang fans nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix nang mag-appear ang young actor sa Sunday PinaSaya last August 25. Mata­gal-tagal na rin kasing hindi nila napapanood si Miguel dahil humingi muna siya ng bakasyon sa management, since Sunday daw lamang siya puwedeng mag-rest mula sa taping ng epic-serye nilang Sahaya ni Bianca, at ng studies niya ng Entreprenurship sa college.

Nalalapit na ang finale ng Sahaya at matitindi na ang mga eksenang mapapanood after 24 Oras.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with