Rico J. Puno
Tribute para kay Rico J iniyakan!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - August 26, 2019 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, hindi ko alam kung nanghihina ako ngayon dahil sa jet lag o dahil naiyak ako habang pinapanood ko ang video ng tribute sa yumaong singer na si Rico J. Puno sa Arcadia, California show ng OPM Hitmakers (The Final Tour) noong Saturday evening (kahapon ng umaga sa Philippines).

May portion kasi ng show na kinanta nina Hajji Alejandro, Marco Sison at Nonoy Zuñiga ang song ng yumaong singer/comedian na tinaguriang The Total Performer.

After nilang kumanta, may video naman si Rico na kumakanta ng Together Forever na ipinalabas sa LED wall then nag-join na sa pagkanta ang tatlo at ang ganda ng dating.

Sabi sa akin ng show promoter na si Anna Puno, standing ovation ang mga tao.

“Darling, ang daming nag-iyakan. Naiyak ang audience,” sabi ni Anna.

‘Yun din ang kuwento sa akin ng Hollywood Pinoy reporter na si Oliver Carnay.

“Naiyak ako sa tribute. Ang ganda!” sey ni Oliver.

Nakaka-miss nga si Rico na first death anniversary na sa October 30.

Rey Valera nagpapagaling ng opera sa bituka

Kung napansin n’yo, hindi ko nabanggit ang pangalan ni Rey Valera sa mga nag-perform sa tribute kay Rico sa OPM Hitma­kers show.

Wala kasi siya.

Hindi nakasama si Rey sa nasabing tour dahil inoperahan siya sa intestine at nagpapagaling.

Gumawa naman ng video message si Rey sa mga nanood ng show at nagpapagaling pa raw siya.

Sabi naman sa akin ni Anna, gustung-gusto ni Rey na maka-recover kaagad dahil gusto raw ng singer/composer na humabol sa nasabing tour.

Final tour na kasi ‘yon ng OPM Hitma­kers, kaya kapag gumaling na, sana nga raw ay makahabol si Rey.

JoshNella kinakikiligan!

Ilang friends ko naman sa US, Canada at Europe ang nagsabing gustung-gusto nila sina Janella Salvador at Joshua Garcia sa The Killer Bride.

Bagay raw ang dalawa.

Sana nga raw ay hindi lang ang The Killer Bride ang maging project ng dalawa at hiling ng mga fan na gawan din sila ng movie ng Star Cinema.

So, puwedeng hindi na “ibalik” ni Janella kay Julia Barretto si Joshua?

Well, puwede dahil click nga sila sa The Killer Bride ng ABS-CBN, huh!

‘Yun na!

RICO PUNO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with