Ogie Alcasid , Regine Velasquez
Regine pinagsigawang iba-iba ang nanay ng anak ni Ogie
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 26, 2019 - 12:00am

“Hindi ako umiiyak,” pabiro pang pagde-deny ni Ogie Alcasid sa birthday tribute na ibinigay sa kanya sa ASAP kahapon. Pero umiiyak naman siya talaga at nagpapahid pa nga ng luha habang sinasabi ‘yun.

Hindi napigilan ni Ogie ang maging emosyonal bilang pasasalamat sa kanyang ASAP family, sa ABS-CBN at sa kanyang pamilya sa tribute na ibinigay sa kanya.

Mas lalong na-touch si Ogie nang magbigay isa-isa ng mensahe sa kanya ang mga anak niya kay Michelle Van Eimeren na sina Leila at Sarah at siyempre, pati na ang anak nila ni Regine Velasquez na si Nate.

Pero ang nakakatawa, after na ipakita ang birthday messages ng tatlo ay nagbiro si Regine na “mga anak mo, iba-iba nanay!” at humagalpak ng tawa.

Nagsigawan ang audience habang si Ogie naman ay pinapaulit sa kanya dahil hindi raw niya narinig.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Ogie ang ABS-CBN at ASAP family sa pagtanggap sa kanilang mag-asawa.

“Kami’y kinupkop ninyo at itinuring ninyo na inyo rin, kaya maraming salamat, aking mga Kapamilya, ASAP family, mula kay Mr. M (Johnny Manahan) hanggang sa nagbibigay ng kape sa amin, maraming salamat,” pahayag ni Ogie.

Siyempre, ang finale ay ang pagbibigay ng mensahe ni Regine para sa kanyang minamahal na asawa.

“Gusto ko lang sabihin na ipinagmamalaki ko ang asawa ko,” simula ni Regine at hirit na tanong naman ni Ogie, “kahit maliit ako?”

Sagot naman ni Songbird,  “kahit maliit ka. Kasi po talaga pong napakabait po niyang tao, hindi lang po sa mga kailangang mabait siya, kundi po sa lahat po ng tao.

“I have never met anyone whose so kind as you, baba. You are the kindest, the most patient person I’ve ever met in my whole entire life,” she said.

Patuloy pa ni Songbird, “and then, what I love with my husband is, hindi po siya madamot sa kanyang talento. Ito, lagi kong sinasabi at lagi kong pinagmamalaki, dahil po ‘yung asawa ko, gagawan niya ng kanta kahit sino. Magbibigay siya ng kanta, he’s always willing to share his songs to everyone, to everybody.

“And that’s very rare kasi po ang mga song writers po, ang trato po nila sa awitin nila ay parang mga anak nila. So, para po ipamigay lang niya ng ganu’n –ganu’n kahit kanino basta may humingi, malaking bagay po ‘yun sa kanya.

“But because he is so generous with his talent, he gives them away. And I love that about you, baba,” pahayag pa ni Regine.

Andre nag-training na rin

Bilang paghahanda sa kanyang upcoming drama series sa GMA 7 na Descendants of the Sun, sumailalim sa medical training si Andre Paras para sa kanyang role na gagampanan sa nasabing Korean drama Pinoy adaptation.

Kasama niyang nag-training ang mga co-stars na sina Jasmine Curtis-Smith, Chariz Solomon, Renz Fernandez, Nicole Donesa, Jenzel Angeles at Reeze Tuason. Sila ang medical team members sa DOTS. 

Ginanap ang medical training ng cast sa V. Luna Medical Center kasama ang mga ilang instructors mula sa Philippine Army at Philippine Air Force.

Kamakailan lang ay napanood naman si Andre at ang dating ka-loveteam na si Barbie Forteza sa Love You Two na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

OGIE ALCASID REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with