Alden Richards at Kathryn Bernardo
Pambo-boycott sa Hello, Love… hindi umubra!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 26, 2019 - 12:00am

Pinatunayan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na basta maganda ang produkto, hindi puwede ang boycott na panawagan ng fans na tutol sa tambalan nila sa pelikula.

Ang i-boycott ang Hello, Love, Goodbye ang sigaw noon ng fans na hindi type ang partnership nina Alden at Kathryn sa pelikula.

But because maganda ang project, tagumpay ang inani nito na isang aral sa fans na boycott ang panakot na overacting dahil sa pagdidikta na ginagawa nila.

May ibang ideas at ibang formula ang nagpoprotesta na fans, bakit hindi sila magtayo ng sariling television station o mag-produce sila ng pelikula na gusto nila?

Kung minsan, nakakainis na ang one track mind ng fans, ang kabastusan at violent reactions nila na kontra sa image ng mga artista na kanilang iniidolo.

Masarap magkaroon ng fans na nurturing, good example sa idol nila, magagalang at mababait.

Nakakairita naman ang fans na sobrang feeling matalino at kung umasta, mas mahusay pa sila sa managers, movie producers at may-ari ng mga television network.

Dapat magtulungan kayo, hindi ‘yung puro kayo pabigat sa mga idol n’yo. Huwag n’yo silang diktahan o takutin. Dapat nasa tabi lang kayo para umalalay, magpayo at huwag magsimula ng away.

Gretchen marunong bumawi, may pa-birthday lunch kay Mother Lily

How nice naman na kahit hindi active si Gretchen Barretto sa showbiz, nagkaroon siya ng time para i-treat si Mother Lily Monteverde sa isang sosyal na restaurant noong Sabado.

Malaki ang utang na loob ni Gretchen kay Mother Lily dahil ito ang nagbigay sa kanya ng malaking break sa pelikula.

Kung hindi naging Regal baby si Gretchen, hindi ito magiging artista at hindi matutupad ang kanyang mga pangarap para sa sarili at sa pamilya niya.

Si Gretchen ang unang nag-artista sa mga miyembro ng Barretto family. Siya ang nagbukas ng pintuan kaya nakapasok din sa entertainment industry ang kanyang mga kapatid na sina Marjorie at Claudine kaya may dapat din na ipagpasalamat ang dalawa kay Mother Lily.

Noong August 19 ang 81st birthday ni Mother Lily. Hindi nakadalo si Gretchen sa birthday bash ni Mother sa Valencia Events Place noong Lunes pero tiniyak ni Gretchen na may blow out siya para kanyang fairy godmother.

Kasama ang ibang mga kaibigan niya at ni Mother, nag-treat ng lunch si Gretchen sa isang sosyal na restaurant sa Solaire Resort & Casino noong Sabado.

Siyempre, touched na touched si Mother sa kind gesture ni Gretchen na isa na ngayon sa mga pinakamayaman na Regal Baby. Kahit matagal nang walang kontrata si Gretchen sa Regal Films, hindi siya nakakalimot sa mga naitulong sa kanya ni Mother at ng movie company nito.

Antonio Sanchez matagal nang nakakauwi sa sariling bahay kahit nakakulong!

Tanggap naman daw ni former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na hindi papayag ang Malacañang Palace na makalabas siya, kahit good conduct ang kanyang ipinakita sa 26-years na pagkakakulong niya dahil sa panggagahasa kay Eileen Sarmenta, pagpatay sa dalaga at sa nobyo nito na si Allan Gomez.

Pero hoping pa rin si Sanchez na makakalaya dahil hanggang ngayon, ipinagpipilitan niya na inosente siya with matching “I swear, mamatay man ang dalawampu’t-isang apo ko.”

Charotera rin si Sanchez ‘ha? May tsismis na nakakauwi si Sanchez sa bahay nito sa Calauan kaya talagang madali sa kanya ang magdrama na tanggap niya na hindi papayag ang Malacañang Palace na makalaya siya.

ALDEN RICHARDS KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with