Sophia Co­rullo
Child star na si Sophia iki-cremate, dadalhin sa ipinatayong bahay
Gorgy Rula (Pang-masa) - August 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukas na, August 27 iki-cremate ang batang si Sophia Co­rullo na namatay nung nakaraang Linggo dahil sa Dengue.

Pumunta nga roon sa burol ang ka-PEP Troika kong si Jerry Olea at nakakaawa raw ang kalagayan nila napakaliit lang talaga ng lugar nila sa may Brgy. Poblacion, Makati.

Doon inilahad ng ina ni Baby Sophia na si Angeli Co­rullo na pagkatapos daw mag-taping para sa MMK nung nakaraang Lunes, August 12, pumasok pa raw ito sa school para kumuha ng periodical test.

Pero Miyerkules ng madaling-araw nilalagnat na raw ito at iyak na nga raw nang iyak. Kaya pinainom na raw niya ng gamot. Medyo umokay na raw ang pakiramdam, pero hindi na raw niya pinapasok ng school.

Nagpabili pa raw ng Mang Inasal nung Huwebes dahil paborito raw niya ito pati ang libreng sabaw na binibigay ng nasabing kainan.

Dinala pa raw niya sa dentist nung Sabado dahil nabungi raw ito, at pagagawan daw sana ng ngipin. Pero matamlay na raw ang bata.

May mga pinabili pa raw ito na pagkain, pero hindi na niya ginagalaw.

“Sarado po kasi ang health center nung Sabado, kaya dinala ko na po siya sa OsMak (Ospital ng Makati) para ma-check up siya.

“Mga lunchtime po yun, 12 o 1pm. Tapos po, diri-deretso na po. Noong tiningnan po siya, mababa na iyung platelets niya. I-admit na raw, ICU.

“Tapos, ayun na po, dire-deretso na po ang panghihina niya,” pahayag ng ina ni Sophia.

Nung Sabado raw ay gusto na raw ni Sophia na umuwi dahil gusto raw nitong panoorin ang MMK na na-tape niya kasama sina Yen Santos at Rafael Rossel.

Iyak daw nang iyak ang bata dahil ayaw siyang payagang lumabas ng hospital. Hanggang sa tuluy-tuloy na raw ang panghihina, at nalagutan siya nang hininga bandang hapon na raw ng Linggo, August 18.

Ang nakakalungkot lang, pati ang dalawang kapatid ni Sophia ay na-hospitalize din dahil sa Dengue.

Ang kuya raw nitong si Bryan ay under observation pa rin, pero ang isang kapatid ay nag-negative sa Dengue.

Dahil sa napabalita ang pagpanaw ni Sophia, may mga nagparating ng tulong na ang nakinabang ngayon ay ang kuya niyang nasa hospital.

Umaasa silang malagpasan ito ng kapatid ni Sophia.

Nakatakda na raw sana silang lumipat sa bagong bahay na ipinatayo nila sa Cavite.

Malaki raw ang naiambag doon sa ipinatayong bahay ang mga kinita ni Sophia galing sa napanalunan sa Mini Me sa It’s Showtime, mga guesting sa TV at commercials.

Kaya gusto nilang ipa-cremate si Sophia para madala pa raw nila ang abo nito sa paglipat nila sa Cavite.

Gusto naman daw nilang ma-experience ni Sophia ang bagong bahay na ipinatayo mula sa mga na-raket niya sa showbiz.

Nakikiramay po kami sa pamilyang naiwan ni Baby Sophia Corullo.

Mark tinawag na ulol ang mga lumalait sa bagong gf

Sinasabi na sa amin noon ni Mark Herras na mapagpatol daw siya talaga sa mga basher.

Kaya hindi na kagulat-gulat na pinagsasagot niya ang mga bashers na nanlalait sa kanya lalo na sa bagong girlfriend niyang si Nicole Donesa.

“Ulul!” lang ang sagot niya sa mga nanlalait, na halatang pikon na pikon sila sa mga sinasabi laban sa kanila.

May ilang kumokontra raw sa relasyon nilang dalawa, pero mukhang ipinaglalaban ito ni Mark dahil nakikitang mahal na mahal niya at proud siya sa bagong girlfriend.

Nung nag-guest nga ito sa StarStruck nung nakaraang linggo, ipinakilala niya si Nicole kay Jennylyn Mercado at sa mga kasabayan niya sa StarStruck na sina Yasmien Kurdi at Katrina Halili.

Open na open na sila sa mga ipinu-post nila sa social media para ipahayag ang nararamdaman nila sa isa’t isa.

Ang buong akala ng iba ay engaged na silang dalawa dahil sa ipinost ni Mark sa kanyang Instagram account na may Mr. & Mrs. na background.

Sa location lang daw iyun ng taping, pero marami ang nag-react sa post na iyun ni Mark.

Nasa caption pa nito ang ilang linya ng kantang The Last Time ni Eric Benet.

 “Now don’t hold back, just let me know. Could I be moving much too fast or way too slow. ‘Cause all of my life, I’ve waited for this day. To find that once in a lifetime , this is it, I’ll never be the same.

“You’ll never know what it’s taken me to say these words. And now that I’ve said them, they could never be enough. As far as I can see, there’s only you and only me.”
Na dinugtungan ni Nicole ng linyang; “This is the laaaast time I’ll fall in loooooove.”

Ganun sila ka-sweet sa isa’t isa.

Hindi tuloy nakaiwas ang ex-girlfriend ni Mark na si Winwyn Marquez sa isyung ito na ayaw na niya sanang patulan pa.

Pero may ilang netizens na nangungulit din kay Winwyn kaya sinagot na rin niya na hayaan na lang daw kung masaya sina Mark at Nicole sa kanilang relasyon.

“If @herrasmarkangeloofficial and @nicole_donesa is happy then let them be,” sabi ni Winwyn.

Medyo bastos na ang ibang nagku-comment kaya sinita na sila ni Winwyn na tigilan na ang pagku-comment sa mga ipinu-post niya sa kanyang social media account.

May isa rin ngang netizens na nag-forward sa amin ng litratong may kasamang isang lalaki si Winwyn at ipinapalabas na meron na rin itong bago. Pero ewan ko kung totoo, at hindi pa namin ito nakumpirma sa actress/beauty queen.                                                                             

SOPHIA CO­RULLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with